Vhong

Vice, sinigurong babalik si Vhong sa ‘Showtime’

December 19, 2022 Vinia Vivar 123 views

Si Vice Ganda ang isa sa parating tinatanong ng madlang people kung kailan ba babalik talaga sa It’s Showtime si Vhong Navarro na as we all know ay pansamantalang nakalaya kamakailan.

Magbuhat nang lumaya si Vhong ay inaabangan na ang kanyang pagbabalik sa It’s Showtime.

May dalawang linggo na rin ang nakakaraan nang makalabas ang TV host/dancer sa kulungan pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik sa noontime show.

Sa isang segment ng It’s Showtime ay binati ni Vice si Vhong.

“Si Vhong nanonood, Hi Vhong! Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong?” sey ni Vice.

Maging sa mga presscon nga ng TV host/comedian ay lagi siyang tinatanong kung kailan ba talaga mapapanood sa noontime show si Vhong.

Kaya naman sinagot na ito ni Vice.

Aniya, hindi naman siya ang manager ni Vhong pero sinigurado niyang babalik ito.

“Sa lahat ng nagtatanong sa ‘kin kailan babalik si Vhong, isang sagutan na lang… una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpapahingahin po muna natin siya. Pangatlo, babalik siya!” pahayag ng komedyante.

Pero sa online show ni Cristy Fermin ay nabanggit ng batikang manunulat na baka bandang Pebrero pa makabalik si Vhong sa programa dahil gusto muna nitong bumawi sa pamilya.

AUTHOR PROFILE