Kring

Kring Kring nahikayat ni Patricia na sumali sa NQU sa Tokyo

December 19, 2022 Aster Amoyo 163 views

Kring1Kring2

GOLDEN Girl’ singer, actress, entrepreneur, former politician and YouTuber Cristina `Kring-Kring’ Gonzales is representing Visayas in the 4th edition of the advocacy-oriented beauty pageant for married women, ang Noble Queen of the Universe na gaganapin sa ballroom ng Tokyo Prince Hotel in Tokyo, Japan sa darating na Huwebes, December 29, ika-2 ng hapon.

Kring Kring nahikayat ni Patricia na sumali sa NQU sa Tokyo

Noong isang taon pa umano siya iniimbita ng National Director ng Noble Queen of the Universe Organization at 2019 Noble Queen of the Universe title holder ng na si Patricia Javier who is Genesis Canlapan-Walcher in real life.

Pero inakala niya noon na may kinalaman lamang sa beauty ang patimpalak kaya hindi niya ito tinanggap. But Patricia was persistent at muli siyang inimbitahan for this year’s pageant at ipinaliwanag sa kanya na more than the beauty, ang pinaka- main goal ng organization ay ang mga charity works nito and she readily agreed.

Being a councilor of Tacloban City for nine years (3 terms) at tatlong taon (1 term) bilang mayor at pagiging First Lady ng siyudad, naging adbokasiya na ng singer-actress ang pagtulong sa kapwa laluna sa mga bata at kababaihan which she continued kahit wala na siya sa puwesto.

“Since I was a kid, I was already a people person because of my parents,” pahayag niya at the send-off party ng 2022 delegates na ginanap sa Windmills & Rain Forest in Quezon City na in-organize ni Patricia na hindi lamang singer, actress at dating beauty queen kundi isang successful entrepreneur ng Doc Robs Chiropractic & Wellness Clinic na pag-aari nila ng kanyang American husband na si Doc Rob na meron nang limang branches – Quezon City, Makati, Alabang, Bacoor, Cavite ang Angeles City, Pampanga.

Samantala, since papunta na rin lang ng Tokyo, Japan si Patricia, kasama na niya ang kanyang husband na si Doc Rob at mga anak na sina Robert and Ryan dahil doon na sila magpapalipas ng Christmas and New Year. Kagagaling lang din ng mag-anak sa isang month-long tour in Europe.

Kahit parehong working parents sina Patricia at Doc Rob, they make time to bond as a family with their two grown up sons.

ZanjoeZanjoe1Zanjoe2

Kaabang-abang na bagong shows

DALAWANG primetime series ang tiyak na aabangan ng mga manonood sa pagpasok ng 2023 – and TV adaptation ng classic hit movie ng yumaong Movie Kingna si Fernando Poe, Jr., ang “FPJ’s Batang Quiapo” at ang “Dirty Linen” both produced for ABS-CBN ng Dreamscape Entertainment headed by Deo Endrinal.

Matapos magtapos last August 12, 2022 ang top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, isa na namang FPJ material ang kanyang muling bibigyan ng buhay sa telebisyon digital platform sa  pamamagitan ng “FPJ’s Batang Quiapo” na unang pinagbidahan sa pelikula nina FPJ at Diamond Star na si Maricel Soriano in 1986. Sa TV series ay makakatambal ni Coco ang biological daughter ni FPJ sa dating beauty queen na si Rowena Moran. First time na magsasama sina Coco at Lovi sa nasabing proyekto which
will be co-directed by Coco and Malu Sevilla with the actor-director as creative
director as well.

Ang “Dirly Linen” ay isa ring primetime series na pinagtatambalan for the very first time nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo with Francine Diaz and Seth Fedelin with a powerful support cast na kinabibilangan nina John Arcilla, Tessie Tomas, Janice de Belen, Joel Torre, Epy Quizon, JC Santos, Christian Bables, Soliman Cruz, Aubrey Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, Jennica Garcia (in her first Kapamilya series) at iba pa.

Ang “Dirty Linen” ay second TV series bale ni Janine sa bakuran ng ABS- CBN. Nauna rito ang “Marry Me, Marry You” na pinagtambalan nila for the first time ng kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino (na isa ring transferee from GMA). Unang tambalan naman nila ito ni Zanjoe na kagagaling lamang sa hit primetime series, ang ABS-CBN adaptation ng hit BBC Series na “Doctor Foster,” ang “The Broken Marriage Vow”.

First time din nina Francine at Seth na magka-trabaho bilang bagong `loveteam’. Ang dalawa ay unang nagkatrabaho sa hit afternoon series na “Kadenang Ginto” along with Andrea Brillantes at = Kyle Echarri na sinundan ng “Huwag Mangamba” kung saan si Kyle ang partner ni Francine at si Seth naman kay Andrea.

Since nag-break na sina Andrea at Seth at may ibang boyfriend na ngayon ang young star at YouTuber habang si Kyle ay may iba namang direction, nag- desisyon ang ABS-CBN na pagtambalin sina Francine at Seth na pareho namang unattached ngayon.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell notification icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE