Marian1

Marian, bet maging aligagang nanay

September 7, 2022 Vinia Vivar 236 views

Isa si Marian Rivera sa mga celebrity mom na talaga namang hahangaan mo dahil napagsasabay ang career at pagiging hands-on nanay.

Kahit abala siya sa showbiz career, she makes it a point na nagagampanan pa rin niya ang pagiging wifey at mommy. Bukod pa nga rito ang pagiging hands-on niya sa mga negosyo.

Bilang nanay ng dalawa nilang anak ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto, talagang sinisiguro ni Marian na naaasikaso niya personally ang mga bata lalo na ngayong balik na sa face-to-face ang mga klase sa halos lahat ng school sa bansa.

Kwento ni Marian nang makatsikahan ng ilang members of the entertainment press sa “9.9 Super Shopping Day,” siya talaga ang naghahatid-sundo sa mga anak.

“Gusto ko maging aligagang nanay, so ini-enjoy ko na hinahatid ko ‘yung mga anak ko sa school. Kasi si Sixto, nagpi-face-to-face classes na rin siya. Ako ‘yung gigising, ako nagpapaligo, nagpi-prepare ng baon and then hinahatid sa school.

“And then si Dong kapag wala siyang work, kaming dalawa ‘yung naghahatid sa school, ang sarap sa feeling na ako mismo ‘yung nag-aasikaso sa mga kailangan nila,” pahayag ni Marian.

Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat makalipas ang halos tatlong taong paglaban ng mga Filipino sa pandemya, natutuwa si Marian na makita sina Zia at Sixto na nag-i-enjoy na sa face-to-face classes.

“Unexpected kasi si Sixto, first-time niya at na-enjoy niya. Tapos kinukuwento niya kung ano nangyayari sa school. Well, si Zia naman, nakapasok na rin siya before. Super excited, sabi niya, ‘Mama, iba talaga when you go to school and then face-to-face with your classmates and teachers,’” kuwento pa ng Kapuso Primetime Queen.

Samantala, nagkwento rin si Marian sa magaganap “9.9 Super Shopping Day TV Special” sa September 9, 9:35 p.m., sa on Shopee Live at GMA 7.

Exciting performances are lined up for the event with Marian and Dingdong, kasama pa sina Michael V, Carla Abellana at iba pang Kapuso stars.

AUTHOR PROFILE