Maid

‘MiM’, pangatlong pinakapatok na pelikulang Pilipino

September 7, 2022 Ian F. Fariñas 522 views

PUMALO sa pagiging pangatlong pinakapatok na pelikulang Pilipino ang kontrobersyal na Maid in Malacañang ng Viva Films sa naitalang P650-M gross sa loob ng apat na linggong theater run worldwide.

Kung isasama naman sa listahan ang foreign films, nasa ikawalong pwesto ito. Dahil patuloy pang ipinapalabas sa mga sinehan dito at sa US, Canada, Japan, UAE, atbp., inaasahang tataas pa ang pigura ng pelikula sa takilya.

Sa kanyang recent Facebook post, sinabi ni MiM director Darryl Yap na, “Ang tunay na ikinagagalak ng aking puso, kasama ng aking team, ay ang record na nagawa nito para sa aking father studio

Maraming Salamat po sa lahat ng nakapanood at patuloy na tumatangkilik sa aming munting pelikula; SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY NG KARANGALAN SA MAID IN MALACAÑANG BILANG PINAKAPATOK NA PELIKULA NG VIVA Films SA ATING KASAYSAYAN.

“Ipinagmamalaki po naming ang lahat ng ito ay ating nakamit sa panahon ng pandemya; bitbit ang karangalang wala nang mas prestihiyoso sa suporta at pagtangkilik ng sambayanang Pilipino.”

Ang MiM ay tumatalakay sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Palasyo. Ito ay pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Beverly Salviejo, Elizabeth Oropesa at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE