Belle

Belle, Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2022

September 7, 2022 Ian F. Fariñas 315 views

Pinarangalan ang He’s Into Her star na si Belle Mariano bilang isa sa Outstanding Asian Stars sa nalalapit na 17th Seoul International Drama Awards 2022 na ipapalabas nang live sa Setyembre 22.

Matapos ang isang buwan na botohan ng global fans sa Idol Champ application, tinanghal ang Kapamilya actress bilang Philippine winner kasama ang apat pang Asian artists.

May 175 na aktor at aktres galing sa Japan, China, Thailand, Taiwan at Pilipinas ang nominado para sa parangal na ito.

Inorganisa ng Seoul Drama Awards Organizing Committee at Korean Broadcasters Association ang Seoul International Drama Awards, kasama ang Ministry of Culture, Sports and Tourism, Seoul Metropolitan Government at iba’t ibang Korean broadcast stations.

Isa itong prestihiyosong drama festival na pinagsasama-sama ang television drama productions sa iba’t ibang panig ng mundo upang mapalago ang cultural diversity.

Bibida rin si Belle sa pelikula ng Star Cinema na An Inconvenient Love kasama ang onscreen partner na si Donny Pangilinan.

AUTHOR PROFILE