Alden Richards

Mapapangasawa ni Alden masuwerte

June 22, 2021 Aster Amoyo 1735 views

KUNG ang dating ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza ay magta-tatlong taon nang masaya ang lovelife dahil kay Arjo Atayde, si Alden naman ay naghahanap pa rin hanggang ngayon ng bagong mapupusuan at umaasa siya na sana’y mangyari ito bago magtapos ang 2021.

At age 29, marami na ang na-achieve ni Alden not only for himself kundi maging sa kanyang pamilya kaya masuwerte ang babaeng mapapangasawa ng singer-actor-host balang araw. Bukod sa kanyang pagiging family-oriented, secured na ang magandang fufure ng kanyang sariling pamilya.

Alden turns 30 on January 2, 2022. By then, umaasa ang actor na meron na siyang bagong inspirasyon.

Samantala, kung nung 2019 ay gumawa si Alden ng record with Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” under Star Cinema, he is soon to co-star in another movie, “A Moment to Remember” with former ABS-CBN prized star na si Bea Alonzo na nakatakdang idirek ni Andoy Ranay and joint production ng GMA Pictures, Viva Films and APT Entertainment. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang magsimula sa buwan ng Agosto.

Mga luha sa likod ng pagpapatawa ni Boobsie Wonderland

ANG komedyanang si Mary Jane Arrabis-Vallero na mas kilala ng publiko bilang si Boobsie Wonderland, ang `Giant Baby,’ ay dumaan din sa maraming unos sa buhay matapos magumon sa sugal na nagsimula lamang umano sa tong-its sa mga burol hanggang umabot ito sa kanyang pagka-casino na kanyang ikinabagsak financially at nagpatung-patong umano ang kanyang mga bayarin.

Boobsie Wonderland

Inamin sa amin ni Jane (palayaw ni Boobsie Wonderland) na ilang beses umano siyang nagtangkang mag-suicide pero lagi siyang nakakaligtas, isang indikasyon na meron pa siyang misyon sa buhay.

Dumating din ang pagkakataon na sinubok din ang kanilang pagsasama ng kanyang mister na si Joselito Vallero na nauwi sa kanilang paghihiwalay. Nagkaroon ng ibang karelasyon ang kanyang husband at bilang ganti ay nakipag-relasyon naman si Jane sa isang tomboy. Pero muli silang nagkabalikan ng kanyang mister na 23 years na rin niyang kasama.

Since hindi sila nabiyayaan ng sarili nilang anak, nag-ampon ang mag-asawa ng dalawang bata, sina MJ (13) at Shot (10) na parehong boys.

Bagong silang pa lamang noon si Jane nang magkahiwalay ang kanyang parents dahil hindi umano pabor ang parents ng kanyang ama sa kanyang ina kaya nagkaroon sila ng magkahiwalay na ibang pamilya. Ang ama ni Jane na nasa Cebu ay nagkaroon ng ibang pamilya at meron itong limang anak habang ang kanyang ina naman ay nagkaroon ng dalawang anak sa bago nitong mister kaya nagkaroon ng pitong half-siblings si Jane both sa kanyang ama at ina. Pareho na ring balo ang kanyang ama’t ina sa kanilang partners.

It took over 30 years bago muling nakita ni Jane ang kanyang estranged father at limang anak nito. Si Jane din ang gumawa ng paraan para magkita sila ng kanyang ama at ng kanyang mga kapatid and it was a tearful reunion. Magmula noon ay regular nang nagkakausap sina Jane at ang kanyang ama maging ang kanyang half-siblings (sa father side).

Samantala, sarado man ang mga comedy bars ngayon maging ang mga live shows dahil sa pandemya, nabiyayaan naman siya ng tatlong programa sa Net25, ang “Happy Time,” ‘Eat Singing Time” at “Ke Saya Saya”.

Showbiz celebrities na papasok sa pulitika malalaman na

SA darating na Oktubre 2021 ay malalaman kung sinu-sino sa showbiz personalities ang papasok sa pulitika o magpapatuloy ng kanilang political career.

Herbert Bautista

Ayaw pa ring mag-komento ng dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista kung muli nitong ipagpapatuloy ang kanyang political career matapos ang tatlong taong pahinga. Will he run for a higher position dahil malabo nitong kalabanin ang kanyang dating vice-mayor at ngayon ay mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte?

Lumilitaw ang pangalan ni Sen. Manny Pacquiao aiming for the highest position in the land at lumulutang din ang pagtakbo sa pagka-vice president ng Senate President na si Tito Sotto.

Muling kakandidato sa pagka-senador si JV Ejercito habang tahimik pa rin hanggang ngayon ang kayang half-brother na si Jinggoy Estrada.

Although inaawitan si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo for a higher position, it is best na tapusin muna niya ang kanyang termino sa pagka-mayor ng Maynila. Tatakbong reelectionist sa pagiging mayor ng Pasig si Mayor Vico Sotto gayundin si Richard Gomez ng Ormoc. Muling tatakbo sa pagka-governor ng Laguna si E.R. Ejercito at babalik naman sa senado sina Loren Legarda at Chiz Escudero maging si dating Sen. Bam Aquino.

Pinag-iisipan naman ni Jestoni Alarcon kung muli siyang tatakbo sa darating na halalan.

There are other actors aiming for various local positions sa darating na elections.

Subscribe, share, like and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE