Takahiro Ang email ng isang Takahiro Karasawa na nagbabantang papasabugin ang mga government facilities sa bansa.

Malalim na imbestigasyon sa bomb threats ni Karasawa sinimulan ng NBI

February 13, 2024 Jonjon Reyes 166 views

NAGSASAGAWA ang National Bureau of Investigation (NBI) ng malalim na imbestigasyon kaugnay sa mga bomb threats na pinakalat ng isang Takahiro Karasawa.

Sa pagkilala sa bigat ng sitwasyon, sinimulan din ng NBI ang pakikipagtulungan sa Japan Police Attache at mga emergency responder para komprehensibong suriin ang banta.

Ayon sa NBI, mahalagang tandaan na nauugnay ang pangalang Takahiro Karasawa sa mga nakaraang bomb threats sa iba’t-ibang bansa.

Noong Setyembre 8, 2023, ang pangalan din na ito ang nagpakalat ng bomb threat na target ang MRT-3 system.

Pinaalalahanan ng Department of Justice at NBI ang publiko na huwag balewalain ang ganitong mga banta.

Tiniyak ni NBI Director Medardo De Lemos sa publiko na prayoridad nila ang kaligtasan at kapakanan ng mga tao.

“We urge the public to remain vigilant and report any suspicious activities or information related to this case to the authorities.

The NBI is committed to conducting a thorough and impartial investigation, leaving no stone unturned in the pursuit of justice. We will keep the public informed of any significant developments in this case,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE