Guess

Malaking pelikula ng box-office actress at ex-BFs, naudlot!

September 11, 2023 Jun Nardo 216 views

NAKATAKDA sanang gumawa ng isang malaking movie ang isang box-office actress.

Malaking movie ito at winner talaga ang casting dahil ang makakasama ng aktres, eh, ‘yung ex-boyfriends niya na mga artista rin.

Ikinasa na raw ang project. Maganda naman daw ang script.

Pero may leading man na hindi pumuwede at may isa namang ayaw nang balikan ang nakaraan nila ng aktres.

May kanya-kanya na silang buhay habang ‘yung iba, eh, hindi na aktibo sa showbiz.

AUTHOR PROFILE