Maja wala sa mga event ni John Lloyd

June 17, 2021 Aster Amoyo 691 views

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi present ang actress at president-CEO ng Crown Artist Management na si Maja Salvador sa pakikipag-meet ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz with some of the top executives ng GMA Pictures and GMA kamakailan lamang. Si John Lloyd ang major contract talent ng CAM ni Maja.

Hindi rin nakita si Maja nang magkita-kita sina John Lloyd, Direk Cathy Molina, former head ng Star Cinema na si Malou Santos, ang actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz at iba pang kaibigan sa resort ng game show host-comedian na si Willie Revillame na malaki ang naging papel kung bakit napunta sa GMA ang dating prized actor ng ABS-CBN.

Si John Lloyd ay naging special guest sa isang major event ng isang E-shopping app na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last June 6 (Sunday) which was hosted and produced by Willie’s WBR Productions at ipinalabas sa GMA.

John Lloyd was seen together with GMA Pictures’ president na si Annette Gozon-Valdes, GMA First Vice-President for Program Management na si Joey Abacan at ang Senior Talent Manager ng GMA Artists Center na si Joy Marcelo. Naroon din ang actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz representing WBR Productions ni Willie Revillame.

Dalawang proyekto sa GMA ang pinag-usapan ng grupo at kasama na rito ang napapabalitang weekly sitcom na pagtatambalan umano nina John Lloyd at Kapuso actress na si Andrea Torres. Ang isa pang proyekto na gagawin ni John Lloyd ay malamang isang soap opera o di kaya a movie project na malamang maging reunion film ng actor at ni Bea Alonzo na wala na rin ngayon sa poder ng ABS-CBN.

John Lloyd at Andrea hindi pa nagkikita

SAMANTALA, next Thursday, June 24 ay ika-38th birthday ni John Lloyd Cruz while on June 27 ay ika-3rd birthday naman ng kanilang anak ni Ellen Adarna na si Elias Modesto. Nagkahiwalay man sina John Lloyd at Ellen, ginagampanan naman ng actor ang kanyang obligasyon bilang ama sa kanilang anak ni Ellen.

Samantala, hindi pa alam ng Kapuso actress na si Andrea Torres kung siya nga ang makakapareha ni John Lloyd sa gagawin itong sitcom sa GMA pero kung ito’y totoo, magiging masaya at excited siya dahil big fan umano siya ng dating Kapamilya actor.

Hindi pa man nagkikita at nagkakatrabaho sina John Lloyd at Andrea, may mga humuhula naman na posibleng magka-inlaban ang dalawa lalupa’t pareho silang single ngayon. Of course, everybody knows na ang dalawa ay nagmula sa failed relationships.

DJ Mo at Angelicopter nagpakasal na

ATER a string of relationships in the past, nagpakasal na rin sa wakas si DJ Mo Twister (Mohan Gumatay in real life) sa kanyang longtime partner, ang dating DJ na si Angelicopter (Angelika Schmeing) kung kanino may isa nang anak si DJ Mo na si Amsterdam. Si Angelica ay meron ding isang anak na si Lucas sa kanyang previous relationship.

Sina DJ Mo at Angelica ay nagpakasal sa Iceland nung nakaraang June 15, 2021 kung saan din kasama ang dalawa nilang anak na sina Amsterdam at Lucas.

Si DJ Mo na na-link din noon sa dating Kapamilya young star na si Janette McBride at Kapuso actress na si Rhian Ramos. Ang kanyang eldest daughter na si Moira Greenway (22) ay anak niya sa dating actress at member ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” na si Bunny Paras, ang nakababatang kapatid ng actress na si Sharmaine Arnaiz.

Bunny masuwerte sa napangasawa

SAMANTALA, Bunny Paras migrated to the US nung taong 2000 bitbit ang kanyang anak kay DJ Mo na si Moira na maliit pa noon. Si Moira ay may rare illness, ang Friedreick’s Ataxia since she was seven years old na apektado ang kanyang muscle coordination kaya naka-wheelchair na ito ngayon.

Si Moira ay in-adopt ng husband ngayon ni Bunny, ang Fil-American na si Tom Greenway.

Sa kabila ng kanyang kapansanan ay nag-aaral ito ngayon o malamang graduate na sa California Polytechnic State University in Pomona, California kung saan ito nag-aral ng Hospitality Management.

Nagpapasalamat si Bunny na siya’y nakatagpo ng mabait, mapagmahal at very supportive husband who also treats Moira as his own daughter.

Sa kabila na mahigit dalawang dekada na rin si Bunny sa Amerika, hindi nito ikinakaila na sobra umano niyang nami-miss ang kanyang showbiz career sa Pilipinas laluna ang kanyang dating mga kasamahan sa “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno. Natutuwa rin siya na marami pa rin sa kanyang mga nakapanabayan noon sa “That’s….” ang aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz.

Bayani sobrang nami-miss ang ina

HINDI ikinakaila ng writer, actor at comedian na si Bayani Agbayani na sobra umano siyang nalungkot nung nakaraang Mother’s Day dahil ito umano ang kauna-unahang Mother’s Day na hindi na niya kapiling ang kanyang mahal na ina na sumakabilang-buhay nung nakaraang Marso 2021.

“Napahagulhol talaga ako,” pag-amin pa ni Bayani.

Bayani was only three years old nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama at the age of 25. Bilang bunso at kaisa-isang anak na lalaki, sobra umano siyang close sa kanyang namayapang ina na kanyang kasa-kasama hanggang sa siya’y magkapamilya hanggang sa pagyao nito.

“Ang maipagmamalaki ko lang siguro ay nabigyan ko ng magandang buhay ang nanay ko nung okey na ang takbo ng career ko at nadala ko rin siya sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Canada at Europe. Ayaw niya sa Asia at Israel,” kuwento pa ni Bayani.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na naging mapayapa ang paglisan ng nanay ko. Hindi na siya nahirapan dahil namatay siya na natutulog,” patuloy pa niya.

Malalaki na rin ang kanyang mga apo kay Bayani at sa misis nilang si Len Len na sina Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar at si Maria Sabrina. Ang panganay na si Thalia ay may asawa na, ang younger brother ng actress na si Bea Alonzo at meron na rin silang isang anak, si Santiago Vito, ang unang apo ni Bayani.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE