Ruffa

‘Maid in Malacañang,’ ipapalabas sa August 3

July 8, 2022 Ian F. Fariñas 534 views

CONGRATULATIONS! I know how hard you’ve worked for this! Can’t wait to watch.”

’Yan ang reaction ni Raymond Gutierrez sa teaser ng Maid in Malacañang na ipinost ng kapatid na si Ruffa Gutierrez sa Instagram kahapon.

Inilabas na nga ng Viva Films at VinCentiments ang patikim sa sinasabing pinaka-kontrobersyal na pelikula ng taon sabay ng announcement na naurong ang playdate nito sa August 3 mula July 20.

Ginagampanan ni Ruffa sa nasabing Darryl Yap film ang papel ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Career nga kung career ang ginawa ni Ruffa sa movie dahil buhok na buhok pa lang ng former First Lady, eh, pinilit nilang mailapit o maging plakado.

Mai-imagine n’yo kung ilang oras kailangang ayusan si Ruffa tuwing mayroon silang shoot.

Anyway, marami na nga ang naiintrigang mapanood ang Maid in Malacañang na, ayon sa reaksyon ng ibang nagkomento sa online posts, ay “the other side of the story” na ngayon pa lang maririnig at mapapanood sa local screens.

As of this writing, ang balita, nag-uunahan na ang cinema owners para sa booking dito sa ’Pinas at maging sa ibang panig ng mundo.

Ina, agaw-eksena sa ‘Bolera’

Usap-usapan ang special role ni Ina Raymundo sa top-rating GMA primetime series na Bolera.

Ipinasilip na si Ina nu’ng Biyernes bilang si White Lotus kung saan napanood ang pagkamangha nina Joni (Kylie Padilla) at Miguel (Rayver Cruz) sa pagdating nito sa tournament.

Ano kaya ang magiging papel ni White Lotus sa buhay ni Joni? Bakit malaki ang paghanga sa kanya sa mundo ng billiards?

Kilalanin si White Lotus sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE