Lino

Direk Lino, excited sa Ian-Heaven project

July 8, 2022 Ian F. Fariñas 376 views

NGAYONG pahinga muna siya sa pulitika, excited na si dating Taguig Mayor Lino Cayetano sa pagbabalik niya sa kanyang first love, ang show business.

Sa isang thanksgiving mediacon kamakailan, sinabi ni Direk Lino na, “I’m excited for the weeks, the months, the years ahead to be working in the industry.”

Magiging aktibo raw siyang muli sa pamamagitan ng itinayong Rein Entertainment kasama ang mga kapwa-direktor na sina Shugo Praico at Phillip King.

Ang Rein Entertainment ang nasa likod ng award-winning performance ni Arjo Atayde sa Bagman 1 and 2, na nagbigay sa aktor ng best actor trophy mula sa 3rd Asian Academy Creative Awards nu’ng 2020.

Looking forward din siya sa pakikipagtrabaho kina Ian Veneracion at Heaven Peralejo sa isang proyekto at bet niyang tuparin ang dream drama project kasama ang StarStruck artists gaya nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes, atbp.

“I think may magandang produkto na pwede kaming ilabas at ikwento tungkol sa mga karanasan at pinagdaanan naming lahat,” ani Direk Lino sa mga ala-alaga sa idinirek niyang StarStruck ng GMA-7.

Ikinatutuwa rin niya ang pagiging progresibo ng major networks ngayon.

“We work with all networks, independent (kami). Marami ho sa kanila kausap na ho namin and I think we’re doing one to two projects with several of them. I want to thank and congratulate the large networks, nu’ng araw po hindi n’yo ma-imagine, ’di ba ho, na mag-a-outsource ho sila or they’ll allow… dapat exclusive palagi. Ngayon, napaka-progresibo ho nu’ng malalaking production company. They work with a lot of us, smaller production companies. At ’yung maganda ho du’n, kahit ho sa artista, kahit ho sa writer, kahit sa director, mas marami hong flexibility. Kasi dati ho napaka-istrikto, merong ABS, merong GMA. Ngayon there’s so much mobility at tingin ko, mas maganda para sa ating lahat,” diin ni Direk Lino.

So, busier days ahead are here again para sa dating politiko.

Ngayong 2022, may partnerships na ang Rein sa ilang investors para sa mga proyekto katuwang ang ilang industry leaders.

Kaabang-abang din ang pakikipag-collab ng kumpanya sa more established networks soon.

AUTHOR PROFILE