Janine

Janine at JC magsasama sa unang pagkakataon

July 8, 2022 Aster Amoyo 376 views

SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Janine Gutierrez at JC de Vera na parehong nagsimula ang career sa bakuran ng GMA at ngayon ay pareho nang nasa ABS-CBN at nasa iisang management company ni Leo Dominguez. Ito’y sa pelikulang “Bakit Hindi Mo Sabihin?,” isang romance-drama movie na pinamahalaan ni Real S. Florido mula sa panulat ni Flo Reyes.

Ang nasabing pelikula ay isa sa mga kalahok sa 2022 Cinemalaya Philippines International Film Festival sa buwan ng Agosto.

Janine and JC will play a deaf couple na sina Nat at Miguel na daranas ng struggle sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Si JC ay isa sa most in-demand leading men sa Kapamilya network at kabi-kabila rin ang proyekto ni Janine since her network transfer nung isang taon na kanyang sinimulan sa “Marry Me, Marry You” with her rumored boyfriend na si Paulo Avelino. She was also given another project sa iWant TFC, ang “Sleep with Me” kung saan naman niya kabituin si Lovi Poe na isa ring transferee from GMA.

Si Janine ay may ginagawa ngayong bagong serye, ang “Dirty Linen” kung saan naman niya katrabaho for the first time si Zanjoe Marudo.

JC is married to a non-showbiz na si Rikka Cruz at meron na silang isang anak, si Lana Athena, 4.

Lala at Herlene malalaman na ang advantage sa Bb. Pilipinas

MAY advantage kaya sa dalawa sa 40 candidates ng Bb. Pilipinas na sina Maria Isabel David (Lala Vinzon) at Herlene Nicole Budol (Herlene `Hipon’ Budol) ang kanilang showbiz affiliation para makuha nila ang korona sa darating na 2022 Bb. Pilipinas grand coronation na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) on July 31 (Sunday) at 9 p.m.?

Si Lala (19) ay isang singer, actress at social media influencer at anak ng veteran character actor na si Roi Vinzon ay nagsimulang makilala nang siya’y maging finalist sa unang season ng The Voice Teens Philippines in 2017.

Si Herlene naman ay unang nakilala sa programang “Wowowin” ni Willie Revillame sa GMA na naging daan ng kanyang acting career sa bakuran ng GMA.

Tulad ni Lala, si Herlene ay isa ring YouTuber.

Si Lala ay isa sa mga pumalit sa tatlong candidates na nag-back-out matapos mapili ang Top 40 sa final screening.

Lala is #18 representing Mexico, Pampanga habang #8 naman si Herlene at kinatawan ng Angono, Rizal.

Apat na crowns ang naghihintay sa 58th Bb. Pilipinas pageant at ang mga ito ang siyang magiging kinatawan ng Pilipinas sa apat na international beauty pageants – Miss International, Miss Inter-Continental, Miss Globe at Miss Grand International.

Ang 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night ay matutunghayan sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, ABS-CBN Metro Channel at live streaming on iWant TFC at sa YouTube channel ng ABS-CBN.

26

Dalawang Pinoy films pasok sa Bucheon filmfestJohn

NAGSIMULA na last Thursday (July 7) ang 26th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) in South, Korea kung saan unang napansin ang mga international actors na sina Peter Jackson, Christopher Nolan, Darren Aronofsky, Jang Joonhwan, Na Hongin among others.

Two hundred sixty eight from 49 countries ang particiants. Eighty films ang mapapanood for World Premiere, 20 films for International Premiere 79 for Asian Premire at 59 for Korean Premiere.

Ang opening ceremony last Thursday ay ginanap sa Bucheon City Hall Lawn Square habang ang awards night at closing ceremony ay magaganap on July 14 sa Bucheon City Hall Main Theater.

Dalawang Filipino films ang nakapasok sa 2022 BIFAN at ang mga ito ay ang pelikulang “Reroute” na tinatampukan nina John Arcilla kasama sina Nathalie Hart, Sid Lucero at Cindy Miranda at dinirek ni Law Fajardo at ang “Clairvoyant” na pinamahalaan ni John Luke Miraflor at kung saan isa sa lead actors ay si Richard Quan.

Tito Sen maswerte kahit natalo

HINDI man pinalad sa kanyang Vice-Presidential bid ang dating Senate President na si Tito Sotto, proud father naman siya hindi lamang ng kanyang kaisa-isang anak na lalake na si Gian na muling nahalal bilang vice-mayor ng Quezon City sa ikalawang termino kundi dahil sa pagkaka-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang panganay na anak ng wife niyang si Helen Gamboa-Sotto na si Diorella `Lala’ Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pinalitan ni Lala ang dating MTRCB chair na si Jeremiah Jaro.

Si Lala ay nagtapos ng Consular at Diplomatic Affairs degree sa De la Salle – College of St. Benilde. Kinumpleto din niya ang Quezon City Executives and Legislation Planning course sa University of the Philippines.

Tatlong term siyang naging konsehal ng Quezon City 3rd district (2001-2010), tatlong termino bilang councilor ng Quezon City 6th district (2013 – 2022), naging chief of staff din siya ng Commission on Appointments (2010-2012). Tumakbo rin siya bilang 2nd nominee ng AGAP Partylist.

Si Lala ang kauna-unahan sa apat anak nina Tito Sen at Helen na sumunod sa yapak ng kanyang ama sa larangan ng pulitika at sumunod naman si Gian. Ang dalawa pang nakababatang kapatid ni Lala ay sina Romina at ang singer-actress at pole dancer na si Ciara Sotto.

Darna malapit nang lumipad

MUKHANG malapit nang matunghayan sa primetime ng Kapamilya channel, A2Z, TV5 at iba pang digital platform ng ABS-CBN ang pinakaaabangang “Darna: The TV Series” na launching vehicle ng Kapamilya young actress na si Jane de Leon na magkatulong na pinahamalaan ng award-winning director na si Chito Rono at Avel Sunpongco.

Last Thursday (July ) night pagkatapos ng “TV Patrol” ay ipinalabas ang full trailer ng “Darna: The TV Series” kaya ngayon pa lamang ay inaabangan na ito ng marami lalupa’t napakaraming challenges ang kinaharap ng nasabing proyekto bago ito tuluyang nasimulan at nabuo.

Dahil sa pandemic, natigil ang produksyon at nagkaroon ng muling pagbabago. Nag-desisyon ang Star Cinema na gawin na itong serye sa halip na pelikula at saka pumasok sina Direk Chito at Direk Avel sa picture at hindi nagtagal ay sinimulan na ang proyekto hanggang ito’y matapos.

Ready for showing na ang “Darna: The TV Series” kung saan si Jane pa rin ang nasa title role. Kasama sa serye sina Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla at Janella Salvador together with Rio Locsin, Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Young JV, Zeppi Borromeo, Gerald Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Yogo Singh, LA Santos, Joj Agpangan, Mark Manicad, Richard Quan, Levi Ignacio, Dawn Chang at kung saan naman may special participation si Iza Calzado as Leonor Custodio, ang Mother Darna ipinasa ang bato sa kanyang anak na si Narda (Jane de Leon).

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE