Default Thumbnail

Magsasaka todas sa traydikel driver

November 29, 2023 Gil Aman 123 views

Suspek sugatan dahil sa taga sa ulo, mukha

PATAY ang isang magsasaka ng barilin ng kaalitang traysikel drayber na sugatan naman sa ulo at mukha dahil sa inabot na taga ng biktima ng magpang-abot ang dalawa dahil sa matagal ng alitan sa Bgy. Pauli 2 ,Rizal, Laguna,araw ng Martes.

Sa ulat ng Rizal Police kay Laguna OIC Provincial Director PCol Harold Depositar, kinilala ang nasawing biktima na si Jaycee Daligdig , magsasaka, na residente ng naturang bayan.

Nagtamo si Daligdig ng malubhang tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibreng baril.

Kinilala ang suspek na si Alyas Eduardo, tricycle driver, na nagtamo ng hataw ng taga sa mukha at katawan at kasalukuyang ginagamot sa San Pablo City District Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas 9:20 a.m.

Ayon sa pulisya ng makita ng suspek ang nasawi nagawa nitong barilin ang biktima subalit gumanti ang huli at hinataw pa ng taga sa ulo at katawan ang suspek.

Magsasampa naman ang Rizal police ng kasong homicide laban sa arestadong suspek.

AUTHOR PROFILE