Default Thumbnail

Kelot timbog pa sa boga sa banggaan ng mga sasakyan

November 29, 2023 Jojo C. Magsombol 117 views

ISANG lalake ang naaresto ng mga otoridad nang madiskubreng may sukbit na baril habang ini-imbistiga ang naganap na banggaan ng kanyang sasakyan at motorsiklo sa Cabrera Rd. Bgy. Dolores, Taytay, Rizal, noong Lunes.

Ang suspek ayon sa Taytay town police ay drayber ng isang color thermalyte Toyota Innova na may plakang NGA- 5323 at tinatahak ang kahabaan ng nasabing kalye bandang alas-10 ng gabi ng Nobyembre 27, 2023 nang aksidenteng makabanggaan ang isang kulay puting Suzuki Raider na minamaneho ni alyas Genesis.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) rescue sa nasabing lugar.

Habang nagsisiyasat nakita ng mga opisyal ang isang cal. 38 Smith & Wesson Revolver na may serial no. 3.672084 na kargado ng limang bala na nakasukbit sa baywang ng suspek at agarang kinumpiska.

Ayon sa mga otoridad ang suspek ay sasampahamn ng Physical Injury with Damage to Property at violation ng RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus election Code BP881).

AUTHOR PROFILE