Default Thumbnail

Magbago ng mindset tungkol sa wikang Ingles

December 9, 2023 Magi Gunigundo 208 views

Magi GunigundoANG konsepto ng benevolent assimilation ni William Mckinley ang nagdikta na ang wikang Ingles, natinuturing na hulog ng langit, ang gamitin na eksklusibong wika sa pagtuturo ng lahat ng batang Pilipinosa Reading, wRiting at aRithmetic, at isantabi ang mga wikang pagano ng Pilipinas sa pagpasok ng ika 20-siglo. Sa paglabas ng PISA 2022 nitong nakaraang Disyembre 5,2023, nakulelat pa rin ang Pilipinas sa lahatng mga bansang lumahok dito, kinumpirma nito na makalipas ang mahigit isang daan taon, ang wikang Ingles ang humila sa edukasyon ng Pilipino sa impiyerno. Panahon na para ang lahat ng Pilipino ay magbagong “mindset” o palagay sa wikang Ingles.

Ang Program for International Student Assessment (PISA) ay pagsusulit sa reading, mathematics at science na binuo ng Organization for Economic Cooperation and Development upang matulungan ang mgabansang kasapi nito sa pagbalangkasng mga patakaran sa edukasyon namakakatulong sa paglinang ng indibidwal ng bansa. Mga estudyante na 15 taon ang gulang ang pinakukuhang PISA test. Sa unang paglahok ng Pilipinas sa PISA noon 2018, kulelat ang bansa sa lahat ng mga bansa. Sa ikalawang pagkakataon noon 2022,may kapiranggot na pagtalon ng numero sa reading at mathematics. Samakatuwid, hindi nagbago ang rango ng Pilipinas sa pangkalahatan.

Kinuha sa wikang Ingles ng mga estudyanteng Pilipino ang PISA 2018 at 2022. Inaakala natin na ang mga batang kumuha ng PISA 2022 ay may ilang taon naturuan sa ilalim ng MTBMLE na programa noon 2013 dahil saK to 12 Law. Mayroon marahil na “causality” ang resulta ng PISA 2022 sa MTBMLE. Ang mga bansang matataas ang ranggo sa PISA ay ginamit ang kani-kanilang mga Pambansang wika sa eksamen. Samantala, sa wikang Ingles umiksamen ang mga Pilipino.

Dapat tanggapin ng mga Pilipino ang pinakamahalagang pahayag ng 1925 Monroe Report na ang wikang Ingles ang ugat ng lahat ng problema sa edukasyon sa Pilipinas. Hindi likasang wikang ito sa mga Pilipino. Kahit na sino mang batang pango aym ahihirapan mag-aral sa wikang banyaga. Sabi nga ni Heber Bartolome, maihahambing ang bata sa isang aso napinipilit mong ngumiyaw tulad ng isang pusa imbes ang natural nitong tahol.

Kung ikukumpara sa mga katapat na batang Amerikano, ibinunyag ni Monroe na apat hanggang limang taon ang pagkahuli ng mga batang Pilipino sapagbabasa at matematika (maliban sasimpleng aritmetika na hindi nangangailangan ng paglutas ng problema sa salita). Binigyang-diin ni Monroe na tiyak na mas mataas ang marka ng mga batang Pilipino kung sila ay tinuruan at pagsusulitin samga unang wika. Matapos ang isang siglo ng baluktot na kumpiyansa at maling pagpapatupad ng patakaran, ang ating mga anak ay napag-iwanan na ng lahat ng mga bansa sa mundo sa PISA 2018 at 2022.

Ang ikalawang mahahalagang pahayag ni Monroe ay ang hindi kahandaan ng mga guro na magsagawa ng mga klase sawikang Ingles.Ang pagkakaroon ng mahusay na guro ay importante. Kung ang titser ay walang pakialam.

AUTHOR PROFILE