Heat

Mag-ingat tayo

April 30, 2023 People's Tonight 311 views

ANG heat index sa Metropolitan Manila (MM) at iba pang parte ng Pilipinas ay mananatiling nasa 40 degrees Celsius sa susunod na ilang linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

May ilang paaralan na nga sa Pilipinas ang nag-suspend na ng mga klase dahil sa sobrang init sa mga silid-aralan, lalo na sa mga pampublikong elementarya at haiskul.

Ito ang unang pagkakataon na masuspindi ang mga klase sa ilang eskuwelahan sa bansa pagkatapos ng dalawang taong lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang heat index ay “indicator that an average individual experiences due to temperature and humidity. Ang heat index sa pagitan ng 42 C at 51 C ay kabilang sa “danger category.”

At ang temperatura sa bansa ay patuloy na tataas pa itong Mayo dahil nasa dry season pa ang Pilipinas.

Ang masakit diyan ay inaasahan pa ang pagdating ng El Nino phenomenon na magtatagal umano hanggang sa mga unang buwan ng susunod na taon, ayon sa PAGASA.

Sa lahat ng mga kababayan natin ay ang mga talagang kawawa dito ay yong mga karpintero at magsasaka na kailangang magtrabaho kahit nakapapaso na ang init ng araw.

Lalo na ‘yong mga magsasakang nagsasaboy ng abo at nagpapatubig, sa pamamagitan ng water pump, sa mga natutuyo nilang sakahan dahil sa kawalan ng ulan sa Pilipinas.

Kaya, ang kailangan ay paigtingin pa ng gobyerno ang nationwide information dissemination campaign “on how to avoid heat cramps, exhaustion o heat stroke.”

Kailangang mag-ingat tayong lahat kasi ibang init na ang ating nararamdaman dahil siguro sa paglala ng climate change hindi lang sa bansa kundi a buong mundo.

AUTHOR PROFILE