Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairperson ng Committee on Tourism sa Kamara

Madrona: Pag-arangkada ng PH tourism hindi na mapipigilan

July 19, 2023 Mar Rodriguez 398 views

BINIGYANG-DIIN ng chairman ng House Committee on Tourism na hindi na mapipigilan ang pag-arangkada ng Philippine tourism matapos ang dalawang taong pandemiya sa bansa.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairperson ng Committee on Tourism sa Kamara, na ang pagbangon ng turismo ng bansa mula sa COVID-19 ay nabubunga na.

Nagagalak si Madrona sapagkat inaasahan din na bago matapos ang taong 2023 ay posibleng umabot sa 4.8 million ang international tourist arrivals o mga dayuhang turista na magpupunta sa Pilipinas’ kung saan, nasa 58% na ang naging pre-pandemic headcount mula pa noong 2019.

Muling iginiit ni Madrona na binabalikan ng mga dayuhang turista ang magagandang tanawin at ang pagiging “hospitable” ng mga Pilipino o likas na pagiging maasikasuhin ng mga ito sa mga bisita.

Kaugnay nito, muling binigyang diin ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na ang “Love the Philippines” logo at slogan ay simbolo ng pagmamahal ng mga Pilipino sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE