Lyca

Lyca balik sa pag-arte

October 7, 2022 Aster Amoyo 824 views

NATUTUWA ang kauna-unahang grand winner ng The Voice Kids – Philippines (2014) na si Lyca Gairanod na balik siya sa acting sa pamamagitan ng horror-suspense-thriller movie na “Mary Cherry Chua” na launching movie ng young singer-actress na si Ashley Diaz sa Viva Films. Ito’y mula sa panulat at direksiyon nin Roni S. Benaid kung saan din tampok sina Kokoy de Santos, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje at iba pa.

Huling acting experience ni Lyra ang comedy-drama movie na “Tatlong Bibe” mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan kung saan din tampok sina Raikko Mateo, Marco Masa, Juan Carlos Labajo, Eddie Garcia, Dionisia Pacquiao, Rita Avila at marami pang iba.

Ang isang pinagkakaabalahan ni Lyca when not busy sa kanyang singing and other showbiz commitments ay ang kanyang pagiging vlogger. To date, meron na siyang almost 2M subscribers at ang kanyang pagiging YouTuber ang nagsu-sustain sa kanya at sa kanyang pamilya na sa kanya umaasa.

Sa darating na November 21 ay 18th birthday ni Lyca pero hindi pa siya nagbabahagi ng kanyang plano kung siya’y magkakaroon ng debut party o simpleng salu-salo lamang with her family and close friends.

At 17 going 18, aminado si Lyca na hindi pa umano siya nakaka-experience na magkaroon ng boyfriend.

Samantala, kahit may napanalunang house and lot si Lycan sa “The Voice Kids Philippines,” sandali lamang nila ito tinirahan at bumalik din sila ng kanyang pamilya sa Tanza, Cavite (sa gilid ng dagat) para mapalapit sa kanyang lola na ayaw umalis sa kanyang tirahan. Ang nasabing bahay ay kanilang ipinagbili at ipinanggastos sa kanilang bahay sa Tanza.

Dahil sa pagiging vlogger, nakabili na rin si Lyca ng sariling sasakyan na isang van na siya niyang gamit sa kanyang mga lakad at showbiz commitments.

Ang kanyang P1M cash prize noon sa “The Voice Kids Philippines” ay buo pa rin sa bangko at magagalaw lamang niya ito when she’s of legal age (which is next month).

Valera

Rey tinanggihan ni Rico J

WALANG nakakaalam na ang first hit single ng OPM icon, singer-songwriter, performer at film scorer na si Rey Valera (Guardiano) na pinamagatang “Ako Si Superman” which he himself composed was intended for the late Rico J. Puno na siyang namamayagpag sa kasikatan noon sa bakuran ng Vicor Music Corporation na pag-aari pa ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad.
Chito Ilacad, the younger brother of Boss Orly at siyang head noon ng A&R (Artist and Repertoire) ng Vicor commissioned Rey to write songs for Rico J. at ito’y kanyang sinimulan sa awiting “Ako si Superman”. When the song was presented to Rico J., ito’y kanyang tinanggihan. Ang ginawa ni Chito, he asked Rey to record the song for himself and to their surprise, nag-hit ang “Ako si Superman” na siyang nagsimula sa singing career ni Rey bilang singer-songwriter sa bakuran ng Vicor hanggang maging sunud-sunod ang kanyang mga hit songs.

Nang maghiwalay ang magpinsang Vic at Orly ng Vicor, Chito joined Boss Orly sa OctoArts while Boss Vic got (former Senate President) Tito Sotto to head the A&R department ng Vicor. Tito Sen asked Rey to compose a song for Sharon who was then 12 years old pa lamang at nagsisimula pa lamang sa kanyang singing career.

Agad tumalima si Rey at nag-isip ng isang kanta na babagay sa isang 12-year-old kid. Tumatak din sa kanyang isipan ang salitang DJ at dito niya binuo ang kantang “Mr. DJ” na naging instant hit at naging signature hit ng megastar and also catalpulted her to fame.

Next hit song ni Sharon ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” hanggang maging sunud-sunod na ang mga hit songs ng megastar na si Rey din mismo ang nagsulat. Nariyan ang “Sinasamba Kita,” “Walang Kapalit,” “Tayong Dalawa,” at marami pang iba.

Bukod kay Sharon, Rey also composed songs for other artists at kasama na rito ang dati ring Vicor artist na si Geraldine who recorded “Pangako sa `Yo” na naging malaking hit din.

In 1992 when Sharon was already part of Viva Records and Viva Films (founded by Boss Vic del Rosario), she recorded Rey’s greatest hits in “Sharon Sings Valera” which became an instant hit album which reached multi-platinum status.

Throughout her career, hinding-hindi makakalimutan ni Sharon si Rey.

Samantala, nagtuluy-tuloy din ang singing career ni Rey liban sa kanyang pagiging songwriter. Hindi rin nito ikinakaila na nagsimula umano siyang magsulat ng mga kanta sa sementeryo na malapit lang noon sa kanilang tinitirahan bahay in Bulacan. Tahimik kasi roon at walang gagambala sa kanyang pag-iisip ng bagong composition.

Although naging bahagi si Rey ng Electric Hair Band noon, nag-submit siya ng mga sarili niyang compositions sa Vicor as composer for other artists at hindi bilang singer pero sadya nga yatang nakatadhana rin siyang maging isang sikat na mang-aawit at performer.

It was during the time na binuo ni Rico J. Puno ang The Hitmakers na unang pinagsamahan nilang tatlo nina Rey at Hajji Alejandro nang aminin ng yumaong `The Total Performer’ kay Rey na tinanggihan umano niya ang kantang “Ako si Superman” na sinubmit ni Rey sa Vicor for him (Rico J,) to record at makasama sa kanyang album.

“Nagsisi nga ako dahil naging recoding artist ka at sumikat ka bilang singer,” biro umano sa kanya ni Rico J.

Thankful din si Rey kay Rico J. dahil kung hindi nito tinaggihan ang kanyang sariling komposisyon na “Ako si Superman” ay baka hanggang ngayon ay kilala lamang siya bilang isang composer kesa isang singer.

“Destiny na rin siguro,” dugtong pa ni Rey.

Hindi na rin halos mabilang mga awiting sinulat at pinasikat ni Rey which include”Ako si Superman,” “Mr. DJ,” “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” “Pangako,” “Walang Kapalit,” “Tayong Dalawa,” “Sinasamba Kita,” “Kumusta Ka,” “Malayo Pa ang Umaga,” “Naalaala Ka,” “Kung Tayo’y Magkakalayo,” “Maging Sino Ka Man” at marami pang iba.

Although he still sings and performs as a solo artist, mas madalas siyang mag-perform with The Hitmakers kung saan kasama niya sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga at Marco Sison. At patuloy pa rin siya sa paglikha ng mga bagong awitin.

May libro ring sinulat si Rey at hinihintay na lamang niya ang tamang panahon na ito’y ma-release sa market.

APOBoboy

Ano’ng nangyari sa APO?

ANG grupong APO Hiking Society na yata ang pinamatagal na grupo na tumagal ng 45 years bago nag-desisyon ang mga miyembro na sina Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo na ito’y ihinto na at mag-focus na sa kanilang respective solo careers.

Ang APO ay binuo dati ng loose members ng grupo na nabuo nung sila’y nasa High School pa sa Ateneo de Manila University. Sa simula ay umabot ng 15 members ang grupo hanggang magkani-kanya na sila matapos silang grumadweyt in high school at naiwan na lamang sa grupo sina Danny, Jim at Boboy na siyang nagpatuloy sa kanilang singing career as a group.

It was in 2010 nang mag-decide ang APO na tuluyan nang magpaalam sa kanilang mga supporters sa pamamigitan ng isang three-day farewell concert na ginanap sa Music Museum.

Most of the other previous members of APO during their high school days, their respective families and friends attended their farewell concert.

Through the years, napakaraming classic hits ang ibinahagi ng APO at ilan sa mga ito ay ang “Batang-Bata Ka Pa,” “Panalangin,” “When I Met You,” “Bawat Bata,” “Awit ng Barkada,” “Kaibigan,” “Ewan,” “Paano,””Mahirap Magmahal ng Iba,” “Nakapagtataka,” “Blue Jeans,” “American Junk” at marami pang iba.

Nang mag-retire na ang APO in 2010, binalikan ni Danny ang kanyang pagiging isang businessman, Jim’s family migrated to Australia habang si Boboy naman ay nag-focus sa kanyang career bilang actor.

Boboy admits that the most memorable times of their lives ay nung nasa APO pa sila hindi lamang dahil sa kanilang sunud-sunod na hit songs, concerts left and right which also brought them overseas bringing joy and entertainment sa ating mga kabayan sa ibang bansa. Sa panahon ng APO na rin silang nakapag-asawa at nagkaroon ng kanilang respective families.

Had he not been in APO, he could have been an economist or businessman dahil nagtapos ng Economics si Boboy pero wala umano siyang pinagsisisihan.

Tulad ng magkakapatid o magkakaibigan, inamin ni Boboy na may panahon na sila’y nagkakapikunan din noon nina Danny at Jim due to clash of ideas but their love for their craft ang nangibabaw para hindi sila magkahiwa-hiwalay.

Kung ire-rewind ang buhay ni Boboy ay babalikan pa rin umano niya ang naging buhay niya sa APO na umabot ng mahigit ng apat na dekada.

Sa ngayon, bukod sa acting ay bumabawi si Boboy sa kanyang asawa, mga anak at apo dahil madalas siyang wala sa kanilang tabi nung kasagsagan ng kanilang shows and concerts here and abroad.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE