Default Thumbnail

LTO planong igsian driver’s exam

May 4, 2023 Jun I. Legaspi 306 views

INIUTOS ni Transportation Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na ‘paigsiin” ang pasusulit para sa mga kumuha ng lisensiya ng pagmamaneho.

Sa opisyal na pahayag ng agency, naghahanap ng mga solusyon ang (LTO) na layong simplehan ang mga proseso sa ahensya upang hindi makaporma ang mga fixer at kabilang sa mga pinag-aaralan ngayon ay posibilidad na “paigsiin” ang pagsusulit para sa mga kukuha ng lisensya ng pagmamaneho.

Aminado si Tugade na ang mahaba at matagal na proseso sa ahensya ay isa sa mga dahilan kaya’t tinatangkilik ng ilang aplikante ang alok na mga serbisyo ng fixer.

Makaraang mabatid na ang kasalukuyang pagsusulit para sa kumuha ng lisensya sa pagmamaneho ay inaabot ng mahigit isang oras, agad na iniutos ni Tugade ang pagbuo ng komite na susuri sa hanay ng mga tanong at kung maaari ay mapaigsi ito nang hindi nakokompromiso ang kalidad ng drayber na makakapasa.

“The instruction I gave to our committee was to compress the exam. This exam reportedly takes about an hour or two. The agency is now studying how to shorten the exam. I believe that by reducing the exam duration, our applicants will not seek out fixers and will opt to take the exam themselves,” pahayag ni Tugade.

Kabilang sa mga pinag-aaralang pagsusulit ay para sa mga bagong kumukuha ng non-professional license at conductor’s license, pinababagong klasipikasyon mula non-professional tungong professional driver’s license, at pagdaragdag ng driver’s license code.

Maliban sa pagpapa-igsing oras ng pagsusulit ay inaaral na rin ng komite na gawing “customized” ang mga tanong, depende sa klasipikasyon ng lisensya o driver’s license code na kinukuha ng aplikante.

AUTHOR PROFILE