Lopez Binibigyan ng plaque of recognition si Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez ni Manila Police District Press Corps (MPDPC) President at District Advisory Council Francis Naguit. Nakamasid si Raymond Bagatsing, ang ka-tandem ni Lopez bilang vice mayoral bet. Kuha ni JON-JON REYES

Lopez-Bagatsing tandem dumalo sa MPD press forum

December 9, 2021 Francis Naguit 399 views

NAGING panauhin sina Manila mayoral bet Atty. Alex Lopez at ang kanyang ka-tandem na vice mayoral candidate na si Raymond Bagatsing sa isinagawang Manila Police District Press Corpos (MPDPC)Forum upang ilatag ang kanilang magagandang plano para sa lungsod ng Maynila.

Nangako si Lopez na kung siya ay papalaring manalo ay ipagpapatuloy niya ang mga magandang nagawa ni Manila Mayor Isko Moreno kabilang ang pagpapahalaga at paglaban sa COVID 19.

Pinakinggan din niya ang mga hinaing ng mga ilang vendors sa Divisoria.

Ayon kay Lopez, tumatakbo siya bilang alkalde ng Maynila, hindi para sa sariling interes , kundi para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ang Lopez-Bagatsing tandan ay nakatanggap ng warm welcome mula sa MPDPC na pinangunahan ni MPDPC president Francisco ” Kiko” Naguit.

Ang tandem ay dumating sa tanggapan ng MPDPC sa United Nations Avenue sa Ermita bandang 10:30 a.m.

Ayon sa dalawa, papahalagahan nila ang mga senior citizens, PWDs, single parents, scholars.

Layunin ng dalawa ang higit na pagbabago, pagpapairal ng peace in order sa Maynila at tuluyang tuldukan angbentahan ng droga.

Sina Lopez at Bagatsing ay tumatakbo sa ilalim ng partido nina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao Mayor ‘Inday’ Sara Duterte Carpio para sa 2022 national elections. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE