Default Thumbnail

Lolo pinagbabaril sa ulo sa QC, dedo

July 6, 2021 Melnie Ragasa-limena 604 views

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang 63-anyos na lolo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City, nitong Martes ng Madaling araw.

Dalawang tama sa ulo ang naging sanhi ng agarang pagkamatay ng biktimang si Norberto Marquez Onoya, may asawa, walang trabaho at residente ng Blk. 6 Poinsettia St., Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala-1:20 ng madaling araw (July 6) nang maganap ang insidente sa Blk. 1 Lot 72 Calachuchi St., Bgy. Commowealth, sa lungsod.

Batay sa kwento ni Roselda Saliksik, natutulog umano siya sa loob ng kanilang tahahan ng makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at sa pagsilip umano niya sa bintana ay nakita na lamang niya ang duguang nakabulagtang katawan ng biktima sa loob ng nakaparadang tricycle.

Nakasamsam ang SOCO Team sa pamumuno ni PLt. John O Agtarap sa crime scene ng dalawang basyo ng di pa batid na kalibre ng baril.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa motibo sa naganap na krimen.