Lolit

Lolit pumalag kay Kyline: Walang siraan sa mga taong inosente

January 28, 2024 Vinia Vivar 103 views

Pinalagan ni Lolit Solis ang pagkakadamay ng alaga niyang si Paolo Contis sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Ayon sa Instagram post ng talent manager/showbiz columnist, uminit ang ulo niya sa tsikang bad influence si Paolo kaya nakipag-break si Kyline kay Mavy.

“Uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy.

“Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo? I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka,” sey ni ‘Nay Lolit.

Mas maganda raw na naghihiwalay ang isang relasyon without badmouthing each other at ginawa pa niyang halimbawa ang naging relasyon nila ni Gabby Concepcion bilang manager at talent.

“Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin.

“In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa. For that I am very grateful,” sey niya.

“Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit,” aniya pa.

Kasunod nito ay winarningan niya si Kyline na mag-ingat dahil kung totoong sinisiraan nito si Paolo ay hindi rniya uurungan ang young actress.

“I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan,” pagbabanta ng veteran columnist kay Kyline.

Mensahe pa niya kay Kyline, “So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao.

“Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya.

“Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente.”

AUTHOR PROFILE