Lolit1 Mga larawan mula sa IG/@akosilolitsolis at @blythe

Lolit naawa kay Andrea

November 25, 2023 People's Tonight 202 views

KINAAWAAN ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa mga kinasasangkutang kontrobersiya nito ngayon.

“Salve alam mo bang naawa ako kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya,” saad ni Lolit sa isang Instagram post nitong Sabado, Nobyembre 25.

“Iyon bang tumatak na iyong mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay,” pagpapatuloy niya.

Saad pa niya na ang mga isyung kinasasangkutan daw ni Andrea ang mas lalong nagbigay ng “hotness” sa aktres para siya’y kahumalingan ng kapwa niya mga young stars.

“Alam mo bang crush siya ng mga teeners na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka-yummy young star sa ngayon. Lahat ng mga controversy tungkol kay Andrea Brillantes parang naging way pa para isipin ng mga teeners na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang young stars,” wika ng beteranang showbiz columnist.

“Sana nga hindi sa totoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka-promising na young star sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan,” dagdag pa ni Lolit.

AUTHOR PROFILE