Loisa

Loisa, pumalag sa isyu ng pagpaparetoke

August 22, 2022 Vinia Vivar 256 views

Sinagot ni Loisa Andalio ang mga basher niya na inaakusahan siyang nagparoteke.

Sa Twitter post ng aktres, nilinaw niyang kahit one percent ay wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha or katawan.

“Dami ko po nababasa at hindi din rin ako mahilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin wala po akong retoke kahit .1 at wala rin po akong balak,” paglilinaw ni Loisa.

Pero sinabi rin naman niyang hindi siya against sa mga nagpaparetoke.

“Hindi rin po ako against sa mga nag pa enhance, your body your rules Ayun lang po,” aniya.

Agree naman ang kanyang fans na since Pinoy Big Brother days ay kilala na siya.

Anila, lahat ng nakikita sa pisikal na anyo ng aktres ay natural lahat.

“True at bihira ka pa pumunta ng skin clinic. Naturally beautiful ka naman talaga,” komento ng isang fan.

“Hindi mo din kailangan mag explain dahil kaming mga taga suporta mo simula umpisa kilalang kilala ka! Bawat sulok ng yung mukha! Apaka blessed,” pagtatanggol naman ng isa pa.

“Subaybay ko rin yan si Loi sa Pbb kahit may kuto pa xia nun dati di yun nagbago tingin ko sa kanya,xia ang sinusuportahan ko dati sila ni Joshua,” sey naman ng isa pang tagahanga.

AUTHOR PROFILE