Ayanna1

Ayanna, nadala sa eksenang lampungan nila ni Gab

August 22, 2022 Vinia Vivar 944 views

May nakakalokang experience si Ayanna Misola habang sinu-shoot ang bagong Vivamax Original Movie niya na Bula.

Kwento ni Ayanna sa online mediacon, sa isang matinding love scene nila ng leading man na si Gab Lagman ay natanggal niya ang brief nito nang hindi sinasadya.

“Sinabi naman kasi ni Gab kung ano ‘yung limitation niya, ganyan. Hindi ko alam kung nadala ba ako sa scene namin, kasi, tinanggal ko ‘yung ano niya,” sey ni Ayanna.

“Siyempre, ganun ‘yung alam ko na love scene, first time ko kasing maka-work si Gab, so natanggal ko ‘yung limit niya, as in,” natatawa niyang dagdag.

Mabuti na lang daw at hindi nagreklamo ang leading man.

“Hindi naman siya nagreklamo. Nagulat na lang ako after na limitation niya pala ‘yun,” aniya.

Singit naman ng direktor na si Bobby Bonifacio Jr., “Naloka po lahat ng tao sa set dahil nadala si Ayanna kay Gab Lagman.”

Kinunan naman ng reaksyon si Gab tungkol dito at aniya, okay lang naman sa kanya although nagulat lang siya.

“Before po kasi ‘yung scene na ‘yun, ano kasi ‘yun, eh, naka-brief lang ako, tapos ‘yun nga, natanggal nga ni Ayanna. Pero nag-plaster na po ako just in case.

“Pero sinasabi ko naman po kay direk, kasi para mas gumanda ‘yung scene, sabi ko, ‘direk, okay lang po na tanggalin ko na.’ Kasi parang may kailangang dayain pa, para mas mabilis na.

“So, natanggal naman ni Ayanna, tinuloy ko na lang. Okay naman po na, eh. Nagulat lang ako pero tinuloy ko na lang kasi aktor naman tayo,” kwento ni Gab.

Ang Bula ay isang sexy-thriller tungkol sa isang babae na gustong tanggalin ang mantsa ng kanyang kasalanan at madilim na nakaraan.

Mapapanood na sa September 2 ang Bula sa Vivamax. Kasama rin dito sina Rob Guinto, Kier Legaspi at Mon Confiado.

AUTHOR PROFILE