Lani

LANI SIKSIK ANG B-DAY MONTH

April 8, 2024 Ian F. Fariñas 77 views

KUNG ang talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis ang tatanungin, ang birthday wish niya para sa alagang si Rep. Lani Mercado ay forever na maging maligaya sa piling ng mister niyang si Senator Bong Revilla.

Sa April 13 magsi-celebrate ng 56th birthday ang aktres-politiko kaya naman gusto umano ni ‘Nay Lolit na forever nang maging ayos ang pagsasama ng mag-asawa dahil “happy siya (Lani), eh.”

Nang siya naman ang tanungin ng showbiz press kung paano niya ipagdiriwang ang kaarawan ngayong taon, simple lang ang naging tugon ng kongresista.

“Para sa tao uli,” ani Rep. Lani, na looking forward na umano sa pagiging senior citizen in four years’ time.

Punumpuno nga ng aktibidades ang birthday month ng misis ni Sen. Bong na sinimulan sa blessing ng covered court sa Molino 2 at multi-purpose building sa San Nicolas 2 noong April 4.

Sinundan ito ng medical mission sa Molino 2 nitong April 6 at sa April 12 naman, magkakaroon ng Passport on Wheels at blessing ng multi-purpose building sa Aniban 1.

Sa big day niya sa April 13, may G na G with Ate Lani birthday concert kasama ang mga bandang Itchyworms at Flow G na gaganapin sa NOMO parking lot.

Ang iba pang naka-schedule na activities ay isang Job Fair, SM Bacoor (April 16); Blood letting activity, Strike Gym, blessing ng covered court sa Molino 4 at Habay 1 (April 17); medical mission sa Niog (April 21); blessing ng covered court sa Molino 4 at Queensrow West (April 25).

AUTHOR PROFILE