Krista nagluluksa sa pagpanaw ni Gloria Sevilla

April 18, 2022 Aster Amoyo 87 views

PUMANAW na ang tinaguriang Queen of Visayan movies na si Gloria Sevilla sa edad na 90 in Oakland, California. She died peacefully in her sleep, ayon sa kanyang anak na si Suzette Ranillo.

Matagal na sa Amerika si Tita Glo, tulad din ng kanyang mga anak na sina Suzette, Dandin at Mat III or Archie. Kasal si Tita Glo kay Mat Ranillo Jr. na namatay sa isang plane crash. Naging second husband niya ang isa pang aktor na naging diplomat, si Amado Cortez

Award-winning actress si Tita Glo hindi lamang sa mga Visayan movies tulad ng Badlis sa KInabuhi at Gimingaw Ako, kundi maging sa mga Tagalog movies tulad ng Minsa’y Isang Gamu-Gamo.

Labis na nalungkot ang kanyang apo na si Krista Ranillo, anak ni Archie. Close ito sa kanyang lola, at malapit nang ikasal (chruch wedding) kay Jeff ‘Nino’ Lim na may-ari ng Island Pacific Supermarket na maraming branch sa California.

SeanSean at Direk Joel sanib puwersa muli

MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na “Fall Guy.”

Ang “Fall Guy” ay istorya tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu. Siya ang writer ng Ma’ Rosa which won for Jaclyn Jose the Best Actress Award sa Cannes Film Festival.

Ang pelikula ay ipo-prodyus nina Len Carillo of 3:16 Media Network at John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang “Anak ng Macho Dancer” na ipinalabas noong January 2021. Nasundan pa ito ng mga movies na Lockdown, Bekis on the Run, Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa (di pa naipapalabas) at Island of Desire. Ang Fall Guy ang 6th movie nila na magkasama sila.

Ayon kay Sean, malaking karangalan para sa isang baguhang aktor tulad niya ang muling maidirek ng isang multi-awarded na director sa isang kakaibang project.

“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang ‘yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” excited na pahayag ng binata.

Malaki naman ang tiwala ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong movie. “Noon pa naman, nu’ng nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director sa aktor.

Hindi pa naman daw graduate si Sean sa paggawa ng sexy movie. Gusto lang daw niya na mag-explore ng iba’t-ibang roles at mag-improve as an actor. Gusto rin niya subukan na gumawa ng isang action movie.

“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan,” dagdag pa niya.

Confident din ang mga producer ng pelikula na panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre. “Madami pa kasi siyang ilalabas na hindi pa nakikita ng tao. Ang dami niyang pinagdaanan at alam kong makakatulong yon nang malaki sa role niya ngayon,” sabi ni Len.

Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon at Itan Magnaye.

Bukod sa mga pelikula ni Direk Joel ay nakilala rin si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas at sa Vivamax original series na Iskandalo.

Samantala, gustong isali ng 3:16 producer na si Mama Len ang ‘Fall Guy’ sa Metro Manila Film Festival sa December.

ChristineAJ pinalitan ni Christine sa ‘Scorpio Nights 3’

MAY bago nang gaganap sa pangunahing papel sa ‘Scorpio Nights.’

Ito bale ang magiging third version ng naturang pelikula. Ang unang ‘Scorpio Nights’ ay tinampukan ni Anna Marie Gutierrez in the 70s, at ang second version in the 80s ay tinampukan ni Joyce Jimenez na tinaguriang Pantasya ng Bayan.

Ngayon, in 2022, gagawin itong muli, na tulad ng part 1 and 2 ay magkaiba ang mga kuwento. Unang napabalitang ang itatampok dito ay si AJ Raval, pero confirmed nang pinalitan siya ni Christine Bermas na marami na ring napatunayan sa Vivamax.

Tuwang-tuwa ang beauty queen from Palawan at sinabing napanood niya ang unang version ni Anna Marie, pero marami naman ang nagko-comment na mas hawig siya ni Joyce Jimenez . Both Anna Marie and Joyce are now living in America.

Willing si Christine na gawin ang sexy scenes sa Scorpio Nights 3, na mas higit pa sa mga naunang gumawa nito.

BL series na mala-Popoy at Basha ang characters

MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ang BL Series na ‘Hello Stranger’ na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Pero ang gusto raw ng Black Sheep na ang maging peg ng return team-up nina Tony at JC ay mala-Popoy and Basha nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Most probably ay after two years pa bago gumawa ng sequel ng ‘Hello Stranger’ ang Black Sheep.

Gusto rin na gawin na medyo mature na kwento ng love story ng dalawang bida.

Ayon kay Tony, nagustuhan niya ang dynamics ng cast at production team ng ‘Hello Stranger’ dahil masaya silang kasama sa set. Hindi rin pilit ang kwento ng two guys who fell in love with each other.

Pero for now ay magkoko-concentrate muna sa kanilang individual careers sina Tony at JC before teaming up sa bagong kwento ng Hello Stranger.

Incidentally, Tony is leaving for New York as he was offered to play a cameo role sa movie na “Asian Persuasion” na ididirek ni Jhett Tolentino.

Chance na rin ito for Tony to go on vacation, lalo na at first trip niya ito to New York.

AUTHOR PROFILE