peace

Kriminalidad sa PH

May 4, 2023 People's Tonight 231 views

KASAMA ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, talagang malaki ang naitutulong ng local government units (LGUs) sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa bansa.

Huwag nating kalimutan na malaki ang papel na ginagampanan ng “peace and order” upang mapabilis ang socio-economic development ng isang komunidad, lalo na sa kanayunan.

Kasi kung laging magulo at walang katahimikan ang isang bayan o syudad ay talagang wala itong mai-encourage na local at foreign investors para magtayo ng mga bahay-kalakal dito.

Kaya tama si Pangulong Marcos na utusan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kasama na ang mga LGU, na suportahan ang “2023 National Crime Prevention Program (NCPP).”

Ang direktiba, na naglalayong masiguro ang tamang implementasyon ng nasabing programa, ay nakapaloob sa Memorandum-Circular No. 19 na inisyu ni Pangulong Marcos.

Ang paglabas ng memorandum-circular “is in line with the adoption of a ‘whole-of-government’ approach in addressing criminality, and ensuring peace and security in the country.”

Pamumunuan ng National Police Commission (NAPOLCOM), isang attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang implementasyon ng NCPP

Ang DILG, na pinamumunuan ngayon ni Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, ay responsable sa administrasyon at kontrol ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa report, ang multi-pronged NCPP ay binalangkas ng NAPOLCOM sa pamamagiran ng kanyang “Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice.”

Sa tingin ng marami ay malaki ang magagawa ng implementasyon ng NCPP para ma-address ang problema ng kriminalidad hindi lang sa kalungsuran kundi sa buong bansa.

Ang kailangan lang ay all-out support ng lahat, pati na ang pribadong sektor.

AUTHOR PROFILE