Default Thumbnail

Kotse naligaw dahil sa Waze, nahulog sa kanal ng PNR!

March 5, 2023 Jonjon Reyes 413 views

Serbisyo ng PNP na-delay

NAGTULOY tuloy sa isang creek at halos mahulog sa ilog ang isang sasakyan nang mapadpad sa kahabaan ng riles ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan, Manila matapos maligaw habang ginagamit umano ang Waze navigation app Linggo ng madaling araw .

Ayon sa ulat ng Pandacan police Station.10, base sa pahayag ng driver at ng sakay nito, galing sila ng Manila at papuntang Makati nang gumamit at ituro sila ng Waze sa kahabaan ng Pandacan.

Sakay sila ng puting Ford focus (WEQ 648) .

Naituro umano sila ng Waze sa riles ng tren na kanila namang sinundan hangang sa magtuloy-tuloy sila sa isang kanal sa pagitan ng riles ng tren,

Ayon pa kay Pandacan Police Station 10 P/Capt Michael Locsin, naiwang nakasabit ang nasabing sasakyan sa riles ng tren dahilan naman para magkaroon ng delay sa serbisyo ng PNR.

Agad namang rumesponde ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga tauhan ng MDRRMO ng lungsod ng Maynila upang maalis ang sasakyan sa riles ng tren habang ang mga sakay nito ay nagtungo na ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) para sa karagdagang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE