Site HEAVY SITE–Ang isa sa MGA sasakyan na nabagsakan ng mga bakal mula sa naputol na kable ng crane sa isang construction site sa Binondo Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kotse, motor, karinderya durog sa Maynila

April 24, 2024 Jonjon Reyes 60 views

NAYUPI na parang lata ng sardinas ang ilang sasakyan sa Aguilar St., kanto ng Recto Avenue sa Maynila ng mabagsakan ng 4.2 toneladang bakal matapos maputol ang bakal na cable mula sa crane sa isang construction site noong Miyerkules.

Ayon kay Chairman Winsen Yu ng Brgy. 294, isang trabahador ang nasugatan sa insidente na nangyari alas-6:00 ng umaga ng Miyerkules.

Kabilang sa nabagsakan ang isang kotse, dalawang motor, mga bisikleta at isang karinderya sa lugar.

Natapyasan din ang isang gusali na katabi ng itinatayong high rise building sa lugar.

Pansamantala munang itinigil ang konstruksyon ng T1 Residence na nasa mahigit 60 storeys.

AUTHOR PROFILE