Arestado WALANG KAWALA–Hindi na nakapalag ang suspek sa murder matapos na matimbog ng mga pulis sa pamumuno ni Police Major Fredwin Sernio ng MPD-SMaRT. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot sa Tondo tiklo sa murder

April 24, 2024 Jonjon Reyes 49 views

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa kasong murder makaraang matunton ng mga miyembro ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng District Intelligence Division (DID) sa San Pedro St., Balut, Tondo, Maynila noong Martes.

Nakilala ang suspek sa alyas John, 24.

Ayon sa ulat ni Police Major Fredwin Sernio, hepe ng DID-SMaRT, bandang alas-9:45 ng gabi ng arestuhin ang binata sa bahay niya sa Brgy. 146.

Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest galing kay Judge Cirile Maduro Foja, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 6 ng Manila.

AUTHOR PROFILE