Palpak PALPAK–Positibong kinilala ng biktima ang isa sa suspek na nangholdap sa kanya matapos matiklo sa follow up operation ng mga pulis sa P. Ocampo St., Malate, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki nanghablot ng cellphone kulong

April 24, 2024 Jonjon Reyes 98 views

NAHULI ng mga pulis ng Manila Police District-Arellano Police Community Precinct ang lalaking nakamotor na nanghablot ng cellphone sa P. Ocampo St., Malate noong Martes.

Ayon sa salaysay ng 19-anyos na biktima, biglang sumulpot mula sa likod ang suspek na nakasakay sa Yamaha Mio at hinablot ang kanyang cellphone.

Pumunta ang ina ng biktima sa himpilan ng pulisya kaya nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis at natimbog ang suspek.

Pinaghahanap pa ang backride ng suspek..

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng Malate Police Station 9, bandang alas-7:20 ng gabi ng maganap ang insidente sa naturang lugar.

AUTHOR PROFILE