Posas

Miyembro ng crime gang tiklo sa Caloocan

April 24, 2024 Edd Reyes 83 views

NATIKLO ng mga pulis ang isang miyembro ng grupong sangkot sa iba’t-ibang krimen ng pagbentahan ng baril ang pulis na nagpanggap na buyer noong Miyerkules sa Caloocan City.

Isinagawa ang entrapment ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta laban kay alyas Tangkad, 43, nang magpositibo sa paniniktik ng mga tauhan ng Intelligence Section kaugnay sa ilegal na pagbebenta ng baril na walang permit.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na miyembro ng “Dacallos Criminal Gang” ang natimbog na si Alyas Tangkad.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw ng tanggapin ni Tangkad ang P2,500 na bayad sa cal. 38 na binili ng poseur-buyer na pulis sa Phase 12, Riverside, Brgy. 188, Tala, Caloocan.

Sasampahan ng inisyal na kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act ang suspek habang inaalam pa kung may nakabinbin na mga kasong kriminal ang nahuli.

AUTHOR PROFILE