Default Thumbnail

Korina kinukuwestyon ang kredibilidad

July 14, 2021 Joey Aquino 536 views

SENTRO ng bashing ngayon ang multi-award winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas.

Korina SanchezSunud-sunod ang pamba-bash ng ilang netizen sa kanya nitong mga nakaraang araw. Una, mumurahin daw ang mga tsinelas na ipinamimigay niya, puna ng isang netizen. “Kapal mo,” buwelta naman ni Korina sa netizen. “Gumastos ka nga para sa milyon milyon bata? Puro ka reklamo, may naiambag ka ba? Yang tabas ng dila mo halatang di ka pinalaki ng mabuting asal.”

Ngayon naman, kinukuwestyun ang kanyang credibility dahil daw sa pag-e-endorso niya ng extracorporeal blood oxygenation and ozonation (EBOO). The said procedure, performed by US-trained Integrative Medicine Physician and Certified Nutrition Specialist Dr. Joel Lopez, was featured on Rated Korina last July 4. Ani Korina sa kanyang post, “the EBOO machine cleans, sanitizes, oxygenates and ozonates your blood in less than an hour!… You actually get to see the toxins separated from your blood: heavy metals, cholesterol deposits, alcohol, chemicals and even bacteria and viruses. Perfect for those who drink alcohol a lot, high cholesterol, exposed to chemicals, heart problems, even HIV/AIDS.”

Dahil kay Korina, nadamay din sa kontrobersiya si Dr. Lopez. He may not be as popular as Dr. Vicki Belo; but his patients are. These include Steven Seagal, Channing Tatum, Cung Le, among other celebrities. At mukhang siya ang dahilan ng youthful glow ni Korina ngayon.

Sa nilikhang ingay ni Korina tungkol sa nasabing procedure, marami kayang susubok sa EBOO para maging youthful looking gaya ni Korina? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE