Vince

Konsi Vince: Libreng antigen tests sa Caloocan

January 27, 2022 Marlon Purification 138 views

TULOY ang kampanya sa Caloocan City para mapababa ang mga Covid cases sa lungsod.

Bukod sa walang humpay na vaccination at booster shots, umiikot na rin ngayon ang mga mobile antigen swab test na naglalayong ipasuri ang mga residenteng hinihinalang may closed contact o sintomas ng corona virus.

Ang libreng Mobile Antigen Swab Testing ay programa nina Mayor Oca Malapitan at Congressman Along Malapitan.

Ito’y inisyatiba nina Councilor Lanz Almeda, presidente ng Liga ng mga Barangay at ni Councilor Vince Hernandez na siyang pangulo naman ng Sangguniang Kabataan Federation sa lungsod.

“Ang gusto natin ay ilapit na sa tao ang antigen testing. Marami tayong kababayan ang hindi alam kung saan pupunta para magpa-swab test. Iyong iba naman ay natatakot baka magbayad ng mahal,” ani Hernandez.

Dahil dito, nagpakalat ng mobile antgen testing ang sina Hernandez at Almeda kung saan ay umiikot ito sa iba’t ibang barangay na malaking bagay para sa mga residente ng Caloocan.

Nitong nakalipas na Martes, ang mobile antigen nina Hernandez ay nasa Barangay 1, 18, 43 at 78. Ngayong Biyernes ay nasa Barangay 134, 135, 136, 137, 138, at 139, samantalang sa darating na Sabado at Linggo ay nasa Barangay 141, 151, 154, 140, at 147.

Para sa iba pang schedule, manatiling umantabay sa ConVINCEd Army at Konsehal Vince Hernandez FB Page.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Hernandez ang kanilang City Health Department, gayundin ang lahat ng barangay at SK officials na matiyagang nag-aasikaso para ilapit ang serbisyo sa mga taga-Kankaloo.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Mayor Oca sa kanyang mga kababayan na magpabakuna upang makabalik na sa normal ang sitwasyon.