Klea1

Klea umamin sa tunay na kasarian

March 20, 2023 Aster Amoyo 454 views

KleaMARAMI ang ginulat ng Ultimate Female Survivor ng GMA talent reality show na “Startruck” nung 2015-turned Kapuso actress na si Klea Pineda (24) nang aminin nito sa panayam ni Nelson Canlas ng “24 Oras Weekend” last Sunday na siya’y gay at kabilang na rin siya sa LGBTQIA+ community.

Hinintay ni Klea ang kanyang 24th birthday bago siya nag-out sa publiko.

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self. Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA = community (with rainbow emoji).

“I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it.

“By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality. Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo. Marami man ang manghuhusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa `yo ang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of! (heart emoji)

“My sexuality is just one aspect of my life and it won’t stop me from chasing my dreams. I am still the same Klea that you loved and supported throughout the years. The only difference now is I can proudly say that I’m gay! (rainbow flag emoji)

“From now, on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin.

“Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove,” mensahe niya sa kanyang IG account.

Sa kabila ng kanyang paglantad sa kanyang sexual preference, sinabi ni Klea sa panayam na wala umanong nabago sa kanya laluna sa kanyang trabaho bilang actress. Willing pa rin umano siyang makipag-kissing scene sa opposite sex kung kinakailangan.

“Hindi ko nililimit ang sarili ko pagdating sa work,” aniya.

Ngayong nailabas na niya ang matagal na niyang kinikimkim at itinatago ay mas masaya at mas magaan na umano ang kanyang pakiramdam.

Si Klea ay napapanood ngayon sa afternoon drama series ng GMA, ang “AraBella”.

DonBelle di na mapigilan

DonnyTHERE’S no stopping DonBelle, ang mainit na tambalan ng Kapamilya actors na sina Donny Pangilinan (25) at Belle Mariano (24) sa pagiging isa sa pinakamainit na loveteam sa kasalukuyan.

Considered `the breakout loveteam’ in 2021 magmula nang magtambal ang dalawa sa miniseries ng iWant TFC na “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng season 2 na sinundan ng kanilang kauna-unahang hit digital movie na “Love is Color Blind,” and their first theatrical release na “An Inconvenient Love” nung isang taon, muling magsasama ang dalawa sa isang upcoming series ng Kapamilya channel, ang “Can’t Buy Me Love” na pamamahalaan ng TV and movie director na si Mae Cruz-Alviar. Kaya naman tuwang-tuwa ang growing DonBelle fans.

Hindi maikakaila na ang DonBelle loveteam ang siyang pinakamainit na tambalan ngayon next to KathNiel ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil buwag na ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sumusunod naman sa tambalan ng DonBelle ang KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad na isa pa sa tinututukan ngayon ng ABS-CBN at ng Star Magic.

Between Donny and Belle, mas naunang pumasok ng showbiz si Belle at age 9 when she started doing TV commercials.

In 2012, naging bahagi ang young star sa TV series na “Lorenzo’s Time,” “MMK” ang unang TV series noon nina Kathryn at Daniel, ang “Princess and I”. In 2013, isinama siya sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na pinagmulan ng maraming young stars today tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Kiray Celis at marami pang iba.

It was in 2016 nang gumawa ng isang product endorsement si Donny kasama ang kanyang actress mom na si Maricel Laxa. Ito ang kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz. He made his film debut in 2018, ang “Walwal” under Regal Films mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes. It was on the same year nang siya’y kontratahin ng Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN at naging kapanabayan niya noon sina Tony Labrusca at Charlie Dizon among others. Ginawa rin siyang VJ ng Myx at isa sa mga hosts ng “ASAP” and the rest ay history nang maituturing.

Carmina at Zoren tiwala sa mga anak

ZorenTIWALA ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa mga special friends ng kanilang twin children na sina Mavy at Cassy, ang Kapuso young actress na si Kyline Alcantara at ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Hindi ikinakaila ng celebrity couple na masaya umano silang nakikita ang kanilang kambal na anak na masayang kasama ang kanilang mga kaibigan tulad nina Kylene at Darren. There are even occasions na kasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak sina Kyline at Darren.

Although wala pang inaamin sa publiko na may kinalaman sa estado ng kanilang relasyon, mukhang maituturing na espesyal ang pagkakaibigan nina Mavy at Kyline gayundin sina Cassy at Darren.

Jessa at Dingdong gusto pang magkaanak

DingdongNAG-CELEBRATE ng kanilang ika-22nd anniversary bilang mag-asawa last March 18 ang singers-actors na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na kasalukuyang nasa Amerika ngayon for their respective concerts.

Inamin ng mag-asawa na kung sila’y mabibiyaan ng Diyos ay gusto pa rin nilang magkaroon ng isang anak para hindi nag-iisa si Jayda na gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan sa music entertainment.

“Jayda is 20 and will eventually will lead a life of her own kaya kami na lamang ni Jessa ang maiiwan,” pahayag ng singer-songwriter and hitmaket na si Dingdong.

“Pareho kaming masaya for our daughter Jayda. Pero darating din ang araw na magsasarili na rin siya,” ani Jessa.

Pare-parehong greencard holders ang mag-asawang Dingdong at Jessa with their daughter Jayda and they maintain a house in Burbank in Los Angeles, California, USA. Pero pabalik-balik sila ng Pilipinas at Amerika.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE