Default Thumbnail

Klase sa Munti pinaiksi dahil sa iniit

April 2, 2024 Edd Reyes 56 views

NAG-shorten period ng klase sa Muntinlupa bunga ng matinding init noong Martes.

Ipinasiya ni Mayor Ruffy Biazon na hanggang alas-10:00 ng umaga lang ang klase ng lahat ng estudyante ng pampublikong paaralan maging ang pang-umagang klase ng Child Development Centers na nasa ilalim ng Early Childhood Education and Development (ECED) Center.

Sa inilabas na anunsiyo, maaaring umabot sa 41 hanggang 42 degrees Celsius ang antas ng temperatura sa Metro Manila na nangangahulungan na kinakailangan ang labis na pag-iingat dahil baka umabot sa antas ng panganib.

AUTHOR PROFILE