Kitkat

Kitkat 15 weeks pregnant

February 16, 2022 Aster Amoyo 521 views

Kitkat1IT was on Valentine’s day nang i-share ng singer-actress, comedienne at host na si Kitkat Favia (Soraya Ray Banas-Favia), 37, sa kanyang Instagram account na siya’y 15 weeks pregnant sa kanilang magiging first baby ng husband niyang si Waldy Favia. Ang dalawa ay ikinasal sa Amerika.

It was last November 2021 nang malaman ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng baby.

Pitong taong gulang pa lamang si Kitkat ay mahilig na itong sumali sa iba’t kiddie contest at amateur singing competition. Siya’y naging grand finalist noon sa isang kiddie beauty contest ng dating noontime program ng GMA, ang “Lunch Date”. Naging champion din siya sa isang singing TV competition, ang “Tanghalan ng Kampeon” hosted by Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales and the late Bert Marcelo. Naging bahagi rin siya ng isang kiddie program on TV, ang “Yan ang Bata”.

She was still in college ay naging back-up singer siya sa isang band na kinabibilangan dati ng drummer-turned game show host-producer na si Willie Revillame. Kasunod na rito ang kanyang pagiging stand-up-comedian sa ilang comedy bars tulad ng Punchline, Laffline at Metro Bar kung saan siya na-discover sa kanyang pag-aartista. Pero hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral.

Si Kitkat ay nagtapos ng International Studies sa College of Holy Spirit. Pero dahil sa kaway ng showbiz ay mas pinaboran niya ang kanyang pagkanta, pag-arte at pagiging host.

Matapos niyang maging isa sa hosts ng noontime program ng Net25, ang “Happy Time” kung saan niya nakasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana, siya’y bahagi ngayon ng Mema Squad cast ng “The Tekla and Boobay Show,” isang comedy talk show every Sunday on GMA.

Si Kitkat ay nasa pangangalaga dati ng Star Magic ng ABS-CBN mula 2004 hanggang 2020.

PunoPuno1Puno2Dong Puno nagpaalam na

PUMANAW na ang 76-year-old veteran lawyer, public affairs TV host, broadcast and print journalist, educator, dating Press Secretary, dating head ng ABS-CBN News & Public Affairs, Philippine Air Lines executive na si Atty. Ricardo `Dong’ Puno.

Si Dong ay sumakabilang-buhay nung tanghali ng February 15, isang araw pagkatapos ng Valentine’s day. In 2015, he was diagnosed of Parkinson’s disease.

Si Dong ay panganay sa 12 anak ng dating Minister of Justice (during the Marcos time) na si Ricardo C. Puno, Sr. Siya’y nakatatandang kapatid ng dating DILG Secretary na si Ronaldo `Ronnie’ Puno at dating congressman na si Roberto `Robbie’ Puno.

Sa pagkamatay niya, iniwan ni Dong ang kanyang misis na si Clodelsa del Castillo-Puno, two sons na sina Ricky (52) at Donnie (51), pamangkin na si Randolf del Castillo (20, whom he treated like a son) at tatlong mga apo na sina Tana (31), Sandro (25) at Santi (19), ang kanyang mga nakababatang kapatid and their respective families.

Si Dong ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila University (cum laude) and took his Master of Laws sa Harvard Law School. He hosted “Viewpoint,” isang public affairs program sa GMA sa loob ng sampung taon from 1984 to 1994 na sinundan ng “Business Today” in 1994. Then he moved to ABS-CBN where he hosted “Dong Puno Live” in 1995 na tumagal hanggang 2000. He also co-anchored “Insider” with Ces Drilon from 2006 to 2007 on ANC at ang “Dong Puno Live” in 2003 at ang “Viewpoints” on ANC. Nanungkulan din siyang Vice President ng News and Public Affairs ng ABS-CBN, Executive Vice-President ng ABS-CBN News Channel (ANC), dating president ng Guagua National Colleges in Guagua, Pampanga, dating VP and General Counsel ng Philippine Air Lines and senior partner ng Puno and Puno Law Office.

In 2001, tumakbo siya sa pagka-senador pero hindi siya pinalad na manalo. Muli siyang kumandidato sa pagka-kongresista ng Muntinlupa against Rep. Ruffy Bianzon pero muli siyang natalo.

It was in February 2011 when he joined Aksyon TV and hosted his own weekly commentary program, ang “De Kalibre”.

Dong was a recipient of many awards nung ito’y aktibo pa sa kanyang karera tulad ng Golden Dove Award mula sa KBP. He was also a TOYM awardee in 1985, Ka Doroy Achievement Award in 1993, Best Public Affairs Host at ang kanyang “Viewpoint” ay naging Hall of Famer mula sa Catholic Mass Media Awards bilang Best Public Affairs Show having won for three consecutive years in 1984, 1985 and 1986 at marami pang ibang karangalan mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Kilala rin si Dong bilang isang mahusay na mang-aawit.

Pepe at Pilar nina Korina at Mar nagdiwang ng ikatlong kaarawan

LAST February 12 (Saturday) ay ipinagdiwang ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez ang ikatlong taon ng kanilang twins na sina Pepe at Pilar. The twins were born out of surrogacy sa Amerika nung February 12, 2019.

Pepe is Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez Roxas habang si Pilar ay Pilar Judith Celia Ester Sanchez Roxas. Although matatalino ang mga bata, tiyak na mahihirapan silang magsulat sa kanilang kumpletong pangalan kapag sila’y nag-aaral na.

Ang dalawang bagets ang dahilan kung bakit pahinga muna ngayon sa kanyang political life ang dating senador at cabinet secretary na si Mar habang si Korina naman ay inspirasyon sa kanyang trabaho ang mga anak.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE