Default Thumbnail

Kita ng gas station limas sa holdaper

December 9, 2023 Gil Aman 131 views

NILIMAS ang P6,000 na kita ng Petron station sa C.A Yulo Ave., Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna nang tutukan ng holdaper ng sumpak ang kahera nito noong Biyernes.

Kinilala ni PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, ang biktima na si Elaine Sosing, kahera ng gasolinahan.

Base sa salaysay ng kahera, aabot sa P6,600 ang natangay ng solo flight na holdaper.

Sinabi ng biktima na dakong alas-10:38 ng gabi nang dumating ang suspek sabay tutok sa kanya ng sumpak sakay ng Suzuki na motor na itim na may taklob ang plate number.

Nakasuot ng gray na sweatshirt, maong na short, brown na tsinelas, itim na helmet, slim ang katawan, nasa edad 30-40 at may height na taas 5′ 5 hanggang 5′ 7 ang suspek, ayon sa description ng kahera.

Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek papunta sa Brgy. Mayapa, Calamba, Laguna.

AUTHOR PROFILE