Default Thumbnail

Rider tinumbok ng kotse patay

December 9, 2023 Jojo C. Magsombol 159 views

DEDO ang motorcycle rider sa Bgy. Sorosoro Ilaya, Batangas City, noong Miyerkules matapos matumbok ng kotse.

Bandang alas-3:39 ng hapon habang dumadaan sa national road ang Honda motorcycle (614 DTR) ng biktimang si Mark Dalpitran Acosta, 31, delivery driver at residente ng Villas St., Mercedes Homes, Brgy. Sorosoro Ilaya, Batangas City nang makabanggaan ang Toyota Vios (NIF 1510) na minamaneho ni Lawrence Tabanda Munlawin, 43, chemist at residente ng Bgy. Kalayaan, Angono, Rizal.

Matindi ang banggaan dahil umikot at nasagasaan pa ang motor at si Acosta.

Nagtamo ng mga malalalim na sugat sa katawan ang bikitma at dinala sa Batangas Medical Center sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City.

Nagdusa pa ng ilang oras ang biktima bago nalagutan ng hininga dahil bandang alas-9:46 pa ng gabi siya namatay.

AUTHOR PROFILE