Kim

Kim at Angelica may double celebration sa Siargao

April 20, 2024 Vinia Vivar 50 views

Nasa Siargao ang ilang celebrities dahil sa birthday celebration ni Kim Chiu at sa second wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan kaya bale double celebration ang ganap.

Bumabaha ng mga larawan at video sa social media dahil mismong mga bisita ang nagpo-post ng mga kaganapan sa selebrasyon.

Sa video na in-upload ng make-up artist na si Haidee Fernandez ay mapapanood ang surprise birthday salubong na ibinigay kay Kim ng kanyang mga kaibigan kabilang na sina Angelica at Bela Padilla.

Sa video naman ni Direk Andoy Ranay ay makikitang nag-e-enjoy sila sa yate nina Kim, Bela, Cherry Pie Picache at Agot Isidro.

Kasabay nga rin ng birthday ni Kim ay ang selebrasyon ng beach wedding nina Angelica at Gregg. Balitang kahapon ito ginanap although wala namang kumpirmasyon kung kailan ba talaga.

Sa video na napanood namin ay may production numbers pa sina Direk Andoy para sa bride at makikita ring nagsayayawan sina Kim and Bela.

Sa isang post ni Patty Yap ay inilarawan niya si Angelica as a chill bride.

Sa ilang mga larawan ay nakita naman namin sina Anne Curtis. Glaiza de Castro, Lizz Uy at Maxine Magalona, among others. Present din ang Swiss boyfriend ni Bela na si Norman Bay.

Nag-post si Bela ng larawan nila ni Kim na naka-swimsuit sa beach na pinusuan ng maraming netizens.

Anyway, hinahanap ng netizens ang nali-link kay Kim na si Paulo Avelino dahil wala ito sa birthday celebration ng Chinita Princess.

Pero hindi nakalimot na bumati ang aktor sa kanyang IGS.

Nag-post siya ng picture ni Kim na nakatalikod habang nasa isang bukirin and he wrote, “Happy birthday, @chinitaprincess!”

Samantala, matatandaan na unang ikinasal sa US sina Angelica at Gregg noong Dec. 31, 2023.

May isa silang anak, si Amila Sabine o Baby Bean, na isinilang noong Sept. 20, 2022.

AUTHOR PROFILE