Andres

Mass appeal at interes sa showbiz namana nina Atasha at Andres kina Aga at Charlene

April 20, 2024 Ian F. Fariñas 80 views

Kung mayroong isang pamilya na kinikilala bilang role model ng walang sawang pagmamahal at debosyon sa isa’t isa, ang pamilyang Muhlach nina Aga at Charlene, kasama ang kanilang kambal na sina Andres at Atasha, ang siguradong papasok sa isipan ng karamihan.

Mula nang magtagpo sina Aga at Charlene sa set ng ‘90s sitcom na Oki Doki Doc hanggang sa kanilang pinag-usapang kasal noong 2001, ang pagsasama nila ay nakabuo ng isang napakagandang pamilya.

“When I proposed, it was quiet. And then it came out in the papers after one week. Nagulat talaga kami. Lumabas sa diyaryo, we’re getting married. One of the best decisions I ever made was marrying Charlene. Up to now, I wake up saying, ‘Thank you, Lord, for my wife,’” pagbabahagi ni Aga tungkol sa asawang si Charlene.

Isa sa mga unique at rare couple sina Aga at Charlene. Ang kanilang kambal na sina Andres at Atasha ay hindi lang ganda at mass appeal ang namana sa kanilang mga magulang kundi maging ang kanilang interes sa pagiging artista.

Tumatak din sa mga anak nina Aga at Charlene ang kanilang family-oriented values. Pinalaki nila ang kambal through old-school parenting.

Desisyon nila na bigyan ng normal childhood sina Andres at Atasha.

“We had a very normal childhood. They made sure to make us experience a normal life, going to school, playing sports, and even my friends and the people around me, they never treated me as such,” ibinahagi ni Atasha.

“Because growing up, we lived in the province, in Batangas, so we really got to experience all these things with my brother. So it never really felt any different until recently, when we got older. When they would take us to the premiere night, it was like, ‘Whoa, this is what it’s like!’”

Sa mga nagdaang dekada, naging kilalang pamilya ang mga Muhlach at hinahangaan pa rin hanggang ngayon.

Una silang nakita sa isang popular fast food TV commercial noong ‘90s at noong 2018 kung saan naging guests ang mag-anak ni Aga sa TV5 show niya na Pinoy Explorer.

Malapit na silang mapanood sa kanilang family sitcom sa TV5 na Da Pers Family.

Siguradong hindi lang ang star power ng buong pamilya ang matutunghayan ng mga manonood kundi pati na rin ang authenticity ng pamilya both onscreen at offscreen.

Huwag palampasin ang paglabas ng Da Pers Family ngayong darating na Mayo sa TV5.

AUTHOR PROFILE