Angelica

Angelica balak mag-file ng petisyon para sa child support

April 20, 2024 Vinia Vivar 56 views

Mukhang maaayos na rin finally ang problema ni Angelica Jones sa tatay ng kanyang anak na si Angelo Alday na last year pa niya inirereklamo.

Nakausap namin si Angelica sa premiere night ng When Magic Hurts recently at nagbigay siya ng update tungkol sa kaso nila ng kanyang dating partner.

“Sa ngayon po, may both parties na nag-uusap, may nagme-mediate, so let’s see po kung ano ang mangyayari,” aniya.

Hindi pa umano siya makapagbibigay ng detalye ngayon dahil nga may pag-uusap pang nagaganap.

Pero ang magandang balita nga ay nakipag-communicate na rin sa wakas ang kanyang ex-partner at willing na itong pumirma sa birth certificate ng kanilang anak.

Matatandaan na inirereklamo ni Angelica na ayaw kilalalanin ng ex-partner ang anak nila at ayaw pirmahan ang birth certificate nito.

“May nire-request po ‘yung tatay ni Angelo na willing naman daw pumirma basta may papalitan lang du’n sa documents,” pagbabahagi niya.

Kapag natapos na ang pag-uusap ay saka pa lang niya masasabi kung magpa-file pa siya ng kasong child support laban sa ama ng kanyang anak.

Kasama rin ni Angelica sa premiere night ang 11-year-old son na pinasok na rin ang show business. May commercial na ito at may guesting ding naka-schedule sa Family Feud.

Samantala, sa When Magic Hurts, na malapit nang ipalabas sa mga sinehan, ay ginagampanan ni Angelica ang papel na ina ng bidang si Beaver Magtalas. Kasama rin sa movie sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Claudine Barretto at marami pang iba.

Ito ay mula sa direksyon ni Gabby Ramos under Rems Entertainment.

AUTHOR PROFILE