Ruru

Ruru may madamdaming pa-tribute kay Bianca

April 20, 2024 Vinia Vivar 47 views

May madamdaming pa-tribute si Ruru Madrid para sa girlfriend na si Bianca Umali sa pagdiriwang ng ika-70 months (five years and 10 months) ng kanilang relasyon.

Sa kanyang Instagram post ay nangako ang aktor na araw-araw niyang mamahalin si Bianca.

“Seventy months of love, laughter, and endless adventures together,” ang simula ni Ruru.

“Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan.

“Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always,” ang monthsary message ni Ruru para sa girlfriend.

Ang tamis din naman ng sagot ni Bianca sa comment section.

“Sa araw araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko. saksi ang Ama sa ating dalawa,” ani Bianca.

Kinilig naman ang netizens, especially ang RuCa fans, at ang iba naman ay sinabing naiyak pa sila sa palitan ng mensahe ng kanilang idolo.

Narito ang ilan sa nabasa naming reaksyon:

“Sheyt monthsary lang pala. Kala ko kasalan na huhu. Kilig ako😍”

“Very very soon seventy years of love, laugher, and endless adventures together na yann.”

“Naiyak ako Praying for your lifetime relationship. MAHAL ko kayo RuCa ❤️”

“Naway lahat pipiliin araw2x.”

AUTHOR PROFILE