Tornado

Killer buhawi!

May 4, 2023 Zaida I. Delos Reyes 260 views

DALAWANG baka ang nasawi at anim na bangkang de motor ang nasira makaraang daanan ng malakas na buhawi ang Barangay Nalkan, Datu Blah Sinsuan, Maguindanao del Norte nitong Sabado.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, dahil sa lakas ng buhawi, nabuwal ang mga puno at nabagsakan ang mga baka, bangka at ilang mga kabahayan .

Ayon pa sa ulat, tila nawalis ang mga bakod ng mga bahay sa barangay dahil sa lakas ng hangin na dala ng buhawi.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Agad nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.