Default Thumbnail

Kelot timbog sa ‘statutory rape’ sa Mabitac

April 1, 2023 Gil Aman 212 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Sta. Cruz Laguna – Arestado ang isang lalaking “most wanted person” (MWP) sa probinsya dahil sa kasong “statutory rape” sa manhunt operation ng Mabitac police araw ng Biyernes Marso 31, 2023.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director, Laguna Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay pawang residente ng Mabitac, Laguna.

Sa ulat ni P/Major Earl RondeniI Janglalay, hepe ng Mabitac police, nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation alas 4:44 ng hapon sa may Bgy. Nanguma, Mabitac, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek

Ang MWP ay may kinakaharap na three counts of statutory rape na kaso na isinampa nitong Marso 28, na nilagdaan ni Judge Marlyn M. Reyes Agama ng 4th Judicial Region, RTC Branch 33, Siniloan, Laguna at walang itinakdang piyansa sa naturang kaso.

Nasa kustodiya na ng Mabitac police ang suspek at iimpormahan ang pinagmulan ng arrest warrant para sa disposisyon.

“Ang Laguna PNP (Philippine National Police) ay patuloy sa layunin na palakasin at palawakin ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas. Inaasahan din po namin ang patuloy na pagtulong ng ating mga mamamayan upang madakip pa ang ibang mga nagtatago sa batas at tuluyang papanagutin ang mga akusadong ito para sa tiyak na tahimik at maayos na pamayanan ng Laguna,” pahayag ni Silvio.

AUTHOR PROFILE