Crime

Kelot pinagbabaril sa harap ng utol todas

November 25, 2023 Jonjon Reyes 189 views

TODAS ang isang 20-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang nakikipag usap sa kanyang kapatid sa Parola Compound, San Nicolas, Binondo, Manila noong Biyernes.

Dead-on-the-spot si Lloyd Domingo sa pamamaril, ayon sa pulis.

Tumakas ang gunman na idinescribe ng mga saksi na nasa 5’7 ang taas, katamtaman ang katawan, naka-itim na jacket at maong na pantalon.

Base sa ulat ni Patrolman Dennis Dela Cruz, imbestigador ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, bandang alas-12:00 ng madaling araw nang pagbabarin ang biktima sa eskinita sa gate 50 ng nasabing lugar.

Nag-uusap ang biktima at ang kapatid na si Angelo, 23, habang nakaupo sa iskenita nang sumulpot ang suspek at basta na lamang pinagbabaril ang biktima.

Kinordon ng mga pulis ng Station 12 bago ipinagbigay-alam kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, na nag-utos kina Det. Jason Ibasco at Det. Boy Nicolas Baladjay na magresponde sa lugar.

Rumesponde din ang grupo ng Forensic Unit sa pangunguna ni Police Captain Giovanni Brinquez para mangalap ng mga ebidensya na gagamitin sa pag iimbestiga sa kaso.

AUTHOR PROFILE