Abante

Roxas Blvd, Quirino Ave, Anda isasara para sa marathon

November 25, 2023 Edd Reyes 136 views

NAG-ABISO ang Manila Public Information Office (MPIO) sa mga motorista na isasara ang Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue para sa ASICS Rock ‘n Roll Manila Marathon mula Nob. 25 ng gabi hanggang sa susunod na araw.

Sinabi ni MPIO chief Atty. Princess Abante na simula alas-10 ng gabi ng Nob. 25, isasara ang Roxas Boulevard habang simula naman ng alas-11:00 ng gabi ng Sabado, isasara na rin sa trapiko ang mga sumusunod na kalsada:

Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive, Katigbak Drive at South Drive Independence Road, P. Burgos Avenue mula Roxas Blvd. hanggang Jones, McArthur at Quezon Bridges, Ma. Orosa St. mula P. Burgos hanggang Kalaw, Finance Rd. mula P. Burgos Ave. hanggang Taft Ave., northbound lane ng Taft Ave. mula Ayala Blvd. hanggang P. Burgos Ave. (dalawang linya lamang), Muralla St. mula Sta. Lucia St. hanggang Real St., Real St. mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St., Sta. Lucia St. mula Real St. hanggang Muralla St., at Quintin Paredes St. mula Jones Bridge hanggang Ongpin St.

Nagbigay ng abiso ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga motorista na alas-8:00 ng umaga sa Linggo magbubukas ang mga sinaradong kalsada.

Ayon sa organizers, tiyak na mage-enjoy ang mga sasali sa Asics Rock n’ Roll Running Series Manila.

May live bands din sa event na tumatahak sa mga mayaman at makasaysayang lugar sa Maynila.

AUTHOR PROFILE