Posas

Kelot nalambat sa 8 counts ng rape

February 24, 2024 Edd Reyes 160 views

NASUKOL ng pulisya ang lalaki sa Calamba, Laguna na walong ulit hinalay ang isang dalaga sa Las Piñas City.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police Station si alyas Jake dakong alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Bubuyan, Calamba, Laguna.

Sa ulat na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Las Piñas Police Chief P/Col. Sandro Jay Tafalla hinggil sa pinagtaguan ng suspek sa katimugang bahagi ng Metro Manila kaya’t kaagad nilang ikinasa ang operasyon.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE