Posas

Kelot nagpasikat, nanakot ng boga arestado

March 3, 2024 Melnie Ragasa-limena 93 views

ARESTADO ang 34-anyos na lalaki matapos maglabas ng baril at pagbantaan ang nakaalitang motorista sa Quezon City noong Biyernes.

Kinilala ni Quezon City Police Department (QCPD) Cubao Police Station (PS 7) chief P/Lt. Col. June Paolo Abrazado ang suspek na si Patrick Ewing Manabat, 34, ng Havana Vista Verde, Caloocan City.

Ayon sa report, dakong alas-6:19 ng gabi ng nagtalo sina Manabat at ang biktimang si Kenneth Andrey Roxas, 27, sa P. Tuazon Blvd., kanto ng Times Square, Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City dahil sa trapiko.

Bumunot ng baril at pinagbantaan umano ni Manabat si Roxas na napansin ng isang bystander kaya tumawag sa QC Hotline 911 para i-report ang nasaksihan.

Mabilis namang nagresponde ang mga operatiba ng PS 7 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober ang kanyang 9mm pistol na may 16 na bala.

Kakasuhan si Manabat ng Grave threat sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni QCPD Director P/BGen. Redrico A Maranan ang agarang pagresponde ng kaniyang mga tauhan at naagapan ang anumang posibleng mangyaring krimen.